Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa ilalim ng buwan, may impakto —
Nagkukubli sa pormal na kandidato,
Nakangiti habang dala'y kontrabando,
Peke ang puso, ang hangarin ay trono.

May sindikato sa loob ng gobyerno,
Nakasout ng sako pero may kwintas na ginto,
Walang bala ang batas sa mga diyus-diyosan,
Pero ang dukha'y tinatadtad ng kasalanan.

Ang kanyang dila’y alipato —
Maliit na apoy na sumusunog sa barrio,
Pangakong matamis na parang alak sa kalyo,
Lason pala sa utak ng mga naniniwalang sagrado.

Tingnan mo ang rebulto,
Binendisyunan pero puso’y demonyito,
Taga-kwenta ng kasalanan ng iba,
Habang kinukupit ang limos ng mga aba.

Isa siyang kandidato,
Pero hindi boto ang habol — kundi kaluluwa ng tao,
Binobola ang masa sa kalsada’t palengke,
Habang nakikipag-toast sa mga dugong asoge.

Mga alipato, mga sindikato,
Magkaka-rhyming pero di magkaka-tao,
Isa lang ang ending ng eksena’t eksodo
Pag-ibig ay bingi, at ang liwanag... sunog na kandila sa altar ng demonyo.

— The End —