Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jame May 2016
Bakit mas pinipili natin
yung mahirap
at kung saan alam
nating masasaktan tayo?

Bakit mas pinipili natin
yung mali habang alam
natin kung ano yung tama?

Bakit tayo nagmamahal
kung iiyak rin naman
tayo?

Bakit mas pinipili
nating lumaban kung alam
nating matatalo rin tayo sa dulo?


Bakit tayo ngumingiti
kung hindi naman talaga
tayo masaya?

Bakit mas pinipili nating
magpatawad ng tao kung
alam nating uulitin lang 'to?


Bakit tayo nalulungkot ng walang dahilan
at bakit tayo napagiiwanan?

Bakit sinasarado ang mga
bintana tuwing
umuulan?


Bakit meron tayong mga
tanong na wala
namang kasagutan?

Bakit dumidilim ang
kalangitan tuwing umaangat
ang buwan?

Bakit tayo nagmamahal
ng mga taong may
mahal ng iba?

Bakit maraming namamatay
sa maling akala?


Ikaw at ako ay pinagtagpo
sa isang mundo;
sa isang mundo na punong-puno
ng walang kasagutan at puro kasinungalingan.

Teka lang, saglit
may isa pa akong katanungan
ngunit alam 'kong hindi mo
ito masasagutan;

Kung ika'y pagpipilian
sa aming dalawa,
Sino mas pipiliin **** saktan?
kingjay Jan 2019
Nang makasabayan sa paglalakad,
napatingin at napangiti
Ang hubong sintido ay naghimok para mauna na pansinin
Kapagkuwan ay kumaway sa kanya at lumapit

Simpleng nagpakilala bilang kamag-aral
Talastas niya na isang taon nauna sa kanya
Naging mausisa tungkol sa mga ****
Naisagot lang ay baka at siguro
kahit balot ng kainitan ng puso

Nang naghiwalay ay lalong nanabik
Masigasig sa pag-aaral
Nagrerepaso ng mga aralin sa bakasyon
Isinabay din sa mga pagpupuri sa dikit ng gabi

Sa kulay abo na panaginip ay lumaboy
Maraming kumpul-kumpol ng mga orkidya at iba pang bulaklak
Matao sa merkado subalit nakakabingi ang katahimikan
Sa paglilibot, naging lila ang nasaging kagamitan

Tumayo sa katre na pinaghihigaan
Kahit wala pa sa ulirat
parang nasa alapaap
Umaangat kahit walang pakpak
Nagbubunying pakiramdam sa taas
Taltoy Aug 2021
Sa dilim at tahimik ng silid,
Tunog ng malamig na ihip ng hanging dumadampi,
Sa mga pader na nakapaligid,
Isip koy nakahimlay, nakakubli.

Ipinipikit ang mga mata,
Sinusubukang sumisid sa dagat ng antok at pahinga,
Subalit hindi malunod itong kaluluwa,
Ayaw lumubog,  umaangat nang kusa.

Kay raming palaisipan,
Kay raming katanungan,
Kasagutan, hindi kailangan,
Panahon ang may alam.
Sa'twing gigising sa umaga pasalamat sa taas
Kay God dahil binigyan ako ng panibagong lakas
Ang diwa ko'y ginising mo 'di na ako aantras
Kasi lagi ka nandyan kahit malamig o mabanas

Kaya halika samahan mo ako mag-almusal
Kaning Sinangag, Kape, Itlog at Pandesal
Busog na ako kaysa mga pagkaing mahal
Mahalaga ang kalusugan para buhay tumagal

Kaysarap maligo tipong natanggal ang libag
Magbihis ng damit at ako sayo'y mag hug
Kapag sa byahe lagi akong mag ingat
Alam ko sa paligid may panganib na kaharap

Sa bawat hakbang ng paa ang katawan ay umaangat
Mga mata'y tumitingin sa kaliwa't kanan at sa harap
Naglalakbay dala ang husay, talino at pangarap
Ngunit 'di bitbit ang bag na may lamang negatibo at bad

— The End —