Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
President Snow Nov 2016
Sadyang mapagmahal lang sa kape
Sa tamis,
Sa pait,
Sa lahat ng pangyayaring kayang ipaalala
Sa bawat haló,
Sa bawat higop,
Sa bawat huling tungga bago tuluyang lumamig

Nagpakalunod ka nanaman sa pait ng kape
Ilang higop pa ba?
Ilang tungga pa ba?
Ilang baso pa ba?
Umalis na siya ngunit nandito padin ako, iniwan.
Madaling araw at mag isa pa rin ako, naiwan.
Tulad ng init ng kape,
Naglaho siya ng walang pasabi.
WALA TALAGANG POREBER.
Manlalamig at manlalamig din yan pagdating ng panahon. Sus
At isa ito sa mga bagay na kaya kong ipagmalaki -
hindi dahil sa mabubulaklak na salita,
o sa lalim ng atas ng bawat letrang binubuo.

Mahal ko ang pagsulat.
Dahil dito, may pag-intindi—
hindi mo kailangan pang dagdagan,
hindi mo kailangang itama,
dahil kapag tapos na, tapos na.

At kapag tapos na, sapat na.
Walang kuwit o gitling,
walang pagpapanggap; walang pag-aatubili
kamahal-mahal ba ang parte na ito na
nais kong bahagi sa mundo.
Kung sapat ba ang lalim, sapat ba ang bilang.

Mahal ko ang pagsulat.
Hindi ako pumapalaya sa pagbili ng mga notebook
na ninais kong punuin ng mga alaala at salita.

Pero sa loob ng pitong taon, nanatiliing blangko
ang mga papel na nakaimbak sa kwarto ko.

Sa mga gabi na katulad ngyon,
sinusubukan kong alalahanin,
kung paano minsan, sigurado ako—
may patutunguhan, alam kong saan pupunta;
sigurado kung saan hihinto at
kung kailan puputulin ang bawat litanya ng taludtod.

Mahal ko ang pagsulat, pero sa mga gabing katulad nito,
may kaakibat na alaala at sakit
ang bawat tungga ng Smirnoff.

Mahal ko ang pagsulat, pero sa mga gabing katulad nito, pinapaalala niya kung bakit
mas pinili kong makalimot.
old draft.

— The End —