Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
s i r May 2019
Ulap sa lupa ang maputlang buhok
Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok
Isang obra maestrang handog ng Panginoon
Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon

Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon
Tigib sa pinong linya at kulubot
Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos
Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos

Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan
Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan
At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa
Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha

Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa
Marka ng walang katapusang pag-aalaga
Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod
Upang tayo ay mabuhay ng malugod.

Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot
Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot
Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko
Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo
Sa ugat ng gabi, may pusong biniyak,
Tibok na sinakal ng pulbos na itim.
Laway ay nanuyo, katawa’y binagsak,
Ng demonyong laman ng isang karayom.

Sa sahig ng impyerno, may ngising basag,
Kandila ng buhay. pinatay sa usap.
Kaluluwa’y kinain ng asong mabangis,
Sa bawat hithit, may butil na labis.

May luha sa dila, may dugo sa tawa,
Tiyan ay nilamnan ng alab at sanga.
Di mo na alam kung tao ka pa,
O bangkay na buhay, alipin ng gaba.

Gumulong sa kanal, humalik sa kalye,
Kapit sa langit pero paa sa libing.
Bawat paghinga’y may lasa ng yelo,
Hanggang sa ang puso’y mapugto sa singhot...

— The End —