Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eon Yol Sep 2017
Okay lang naman kahit walang ganito
Kaya pa namang tiisin ang lamig ng puso
Pero bakit unti unti na babalik ang tingin
Gigising sa umaga ikaw ang agad hahanapin

Okay pa naman kahit walang pansinan
Mga normal na usapan na walang lambingan
Pero bakit nakatutuwang masilayan ang ngiti
Para bang ginugustong pagmasdan nalang ang 'yong labi

Okay ba sayo na pangarapin kita?
Nananaginip na akong kasama ka tuwina
Alam ko namang di ka maniniwala
Ngunit idinidikta ng isip na subukang pumusta

Okay kaya na mahulog sa 'yo?
Natatakot ako, baka di mo ko masalo
Pareho yata tayong takot magtiwala
Subalit bumubulong ang puso na ikaw ang tadhana

Okay na ako, handa nang humakbang
Lalakad, tatakbo kahit maraming humarang
Sa'yo lang nakatingin sa abot tanaw
Mananatiling ikaw hanggang sa pagpanaw

Okay sanang managinip nang ikaw ang katabi
Yun ang tanging pangarap, 'di na ikinukubli
Hihilingin sa langit at sa mga bituin
Na sana sa huli... ako'y sayo at ikaw ay maging sa akin
JOJO C PINCA Nov 2017
Ang makamtan ang maliliit subalit makabuluhang layunin sa loob ng maiksing panahon. Sa maiksing panahon lang, ‘hwag mo’ng sakupin ang lima hanggang sampung taon na paparating pa lang. Ituon mo sa ngayon at sa mga darating na araw o buwan ang pagkamit sa iyong mga layunin. Hindi totoo ang long term plan, tangina baka nga hindi mo na ito ‘datnan kaya hindi mo ito dapat na saklawan. Ang tagumpay ay hindi sinusukat sa haba ng paghahanda para ito makamit, ang totoong tagumpay ay dapat na lasapin sa bawat sandali, minuto, oras at araw ng buhay mo. Oo, ganun lang dapat, kasi maiksi lang ang buhay baka sa sobrang abala mo para paghandaan ito ay makalimutan mo ang maging maligaya.

Ito ang pinaka malaking trahedya ang kalimutan ang kasalukuyan para lang paghandaan nang todo-todo ang bukas na iyong hinihintay. Ok lang na mangarap, na magsumikap at pangarapin ang magandang bukas subalit hindi mo dapat na ipagpalit kung ano man ang kaligayahan na meron ka ngayon para lang dito. Enjoy your life today while preparing for the future ika nga. Kung bata ka maglaro ka, sige lang makipaghabulan ka sa mga tutubi o di kaya ay  magtampisaw sa ulan. Kung binata ka sige lang manligaw ka at makipagkaibigan mag-invest ka sa pakikisama at matutong makipagkapwa tao. Kung nagtratrabaho kana gawin mo nang may pagibig ang ano mang giangawa mo, ‘wag lang nang dahil sa pera.

Maging bubuyog ka na laging handang sumimsim ng bango ng mga bulaklak. Gayahin mo ang ibon na laging umaawit at lumilipad. Umawit ka at tumula kahit walang tagahanga. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon. Ang maiksi subalit makabuluhan na panahon ito ang mga ginintuang sandali na hindi mo dapat na ipagpalit, hawakan mo ito nang hindi mawaglit.
kahel Jun 2017
Napansin ko lang, parang ilang gabi nang nahihirapan matulog.
Malambot naman ang unan ko
Maluwag naman sa kamang hinihigaan
Makapal at mabango naman ang kumot
Malamig at tahimik din ang kwarto
Nasobrahan nanaman ba ko sa kape?
Hindi naman siguro pero bakit?


Antukin akong tao pero bakit ganito
Pero sa kalagitnaan ng kalituhan,
Sa ilalim ng mga bituin sa kalangitan
Biglang sumagi sa isip ko, "Oo nga pala, wala naman ng ibang dahilan.."
Kundi Ikaw. Ang bida ng walang katapusang kwento.
Sa tuwing hihiga ako pagkatapos ng isang mahabang araw
Na nakakapagod kahit wala naman masyadong nangyari at nagawa


Muntik pang mapagalitan dahil gabi nanaman nakauwi
Nagbihis at dali-daling inayos ang higaan
Ayan na, sa wakas at dinadalaw na rin ako ng antok
Ngunit ayan ka na din bigla nalang eeksena parang sa pelikula
Bitbit ang mga pabaon **** ala-ala na nasa isang garapon
At magsisimula kang kumatok ng kumatok sa puso kong marupok
Sige na, papapasukin kita pero parang awa mo na


Bigyan mo naman ako ng isang mahimbing at mahabang tulog
Hayaan mo akong humiga, magpahinga at huminga
Ipagpatuloy ang pananaginip habang naka-nganga
Na kahit dito man lang, sa nilikhang mundo ay hindi tokis ang pag-ibig
Hihintayin kang mapagod maglakbay at magpasikot-sikot sa isipan ko.
Kahit na nakakainip. Pero wala, sanayan lang naman 'to.
Sanay ng pangarapin at mapaginipan ka,
Na hanggang pangarap lamang kita.
Louise Feb 2024
Gayuma
ang titig ng iyong mata
ang mga kulay nitong kakaiba,
pati ang labi **** nakakahalina

Nakakahalina
ang pangarapin ka
alalahanin ang iyong amoy sa tuwina,
ating mga alaalang tila ba milagro at mahika

Mahika
ang muli kang makasama
at marinig muli ang iyong mga tawa,
mawala kung saan mang sulok kasama ka

Ang makasama ka
ang pinakamabisang gayuma,
ang pinakanakakahalinang mahika,
at ang aking pinapangarap na sumpa.
novembergirl Nov 2018
Kailangan ba nagsimula itong aking pagtingin?
Simula't sapul hanga ako sa iyong angking
Kabaitan, katalinuhan at pagiging malambing
Napukaw mo ang aking damdamin

Noo'y di lingid sa aking kaalaman
Ikaw pala ay aking magiging kaibigan
Usap nang konti, tawanan sandali
Marupok na puso'y pilit winawaglit

Mali bang ika'y aking pangarapin?
Sa'yo lang ata tumibok itong damdamin
Konting asaran na lang at ako'y matatangay
Sa iyong mga matang laging nagpupugay

Ngunit sabihin man nating gusto kita
Ako'y duwag kaya't 'di ko magawa
Takot masira kung anong meron tayo
Sa minsang "Hi-hello" makukuntento ako
Eindeinne Moon Aug 2023
Alam kong hindi ang pangalan ko
Ang unang tatawagin mo,
Ang unang bibigkasin mo,
Ang maaalala mo.

Alam kong hindi ang pangalan ko
Ang unang papasok sa isip mo,
Ang unang maiisip mo
Sa tuwing naririnig mo ito.

Alam kong hindi rin ang pangalan ko
Ang lagi **** bukambibig sa mga kaibigan mo,
Hindi rin ako ang laman ng mga kwento mo, Ang una **** matatakbuhan sa tuwing may problema ka.

Mas lalong hindi ako ang hanap-hanap ng mga mata mo,
Ang kinababaliwan mo,
Ang magiging kabiyak mo sa tamang panahon. Hindi lang ako naglakas ng loob na sabihin sa’yo noon.

Na gusto kita.
Hindi ko naman ginusto na magkagusto sa isang katulad mo,
Hindi ko naman pinilit o para bang ako ay nagpabaya,
Ngunit alam ko, na hindi magiging ako.

Ang una **** tatawagan sa tuwing nag-iisa ka,
Alam kong hindi ang text o tawag ko ang una **** sasagutin.
Hindi rin ito ang laging inaabangan mo,
Alam kong kung paano mo ako tingnan ay iba.

Iba kung paano mo siya tingnan,
Iba kung paano mo siya mahalin,
Kung paano mo siya alagaan,
Alam kong hindi ako ang mundo mo.

Ngunit huwag mo nang pangarapin pa
Na mamahalin ka rin niya,
Ngunit hindi naman pala.
Ngunit, alam ko na hindi na pala ako.

Ang unang iikot at tatakbo sa isipan mo araw-araw,
Alam kong hindi ako ang iniisip mo araw-araw. Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin, Alam kong parang kapatid lang ang pagtrato mo sa akin.

Alam kong hindi ang kamay ko ang unang hahawakan mo,
Alam kong hindi ako ang unang lalapitan mo At unang hahanapin mo pagkadilat ng mga mata mo.
Alam kong hindi ako ang unang yayakapin mo.

Alam kong hindi ako ang una o kahuli-hulihan na liligawan mo.
Alam kong hindi ako—oo,
Noong una pa lang alam ko na,
Na hindi ako ang tinitibok ng puso mo.

Ang iyong unang sinisinta,
Alam ko noong una pa lang
Tinatak ko na sa isipan ko
Na wala akong puwang ni minsan man diyan sa puso mo.

Alam kong ang bawat pagtingin mo sa akin
Ay iba sa kung paano mo siya tingnan.
Siguro, naisip mo rin na habang tinitingnan mo ako,
Ay siya ang naiisip mo.

Kung paano mo siya kausapin,
Kung paano ka magmalasakit sa kanya,
Kung paano mo siya tratuhin—
Ay iba sa lahat,
nabubukod-tangi nga ba sa iba.

Ni minsan hindi ko inisip o hiniling
Na ibalik mo sa akin ang pagmamahal na ipinaramdam ko sa’yo.
Ni minsan hindi ako nagdalawang-isip na katukin yang puso mo.

Baka sakali lang matanggap at mahalin mo rin ako.
Baka sakali maisip mo rin na bigyan ako ng pagkakataon.
Ni minsan hindi ako humingi ng kahit anong kapalit.
Ni minsan hindi ko inisip na habulin ka.

Na lumuhod sa harap mo at magmakaawa, Dasal lang ang kakampi ko.
Na sana huwag kang magmahal ng iba,
Na sana walang ibang naghihintay sa’yo.

Na sana ako na lang ang mamahalin mo,
Na sana dinggin na ng Panginoon ang hiling ko. Alam ko na hindi ako ang gusto mo.
Noong una pa lang alam ko na.

Kahit hindi mo sabihin,
Ramdam ko naman Ang mga panlalamig na trato mo sa akin,
Ang pagbabalewala mo sa akin.

Alam kong kahit kailan wala akong laban sa kanya,
Kahit kailan hindi kita magawang pilitin.
Ayaw kong ipilit sa’yo na ako ang piliin
Dahil alam kong siya ang gusto mo.

Alam kong hindi para sa akin ang mga ngiti mo,
Alam kong hindi ako ang gustong makausap mo,
Alam kong hindi ako ang gusto **** makasama,
Ang gusto **** makitang tumawa.

Kahit kailan hindi ako magiging siya,
Kahit kailan hindi ko kayang palitan siya
Diyan sa puso mo.
Kahit kailan hindi ko magawang turuan ang puso mo

Na ako ang mahalin mo,
Na ako ang pipiliin mo.
Kahit kailan hindi ako ang nakikita mo
Sa tuwing magkasama tayo.

Hiniling mo na sana siya na lang ang kasama mo,
Na sana siya na lang ang nakausap mo
At ang nakakaintindi at nakikinig sa’yo.
Kailanman magkaiba kami.

At kahit bali-baliktarin man natin ang mundo, Kahit ikumpara mo man ako,
Hindi siya magiging ako
At hindi rin ako magiging siya.
Update: Hindi naging sila kasi iba ang nagustuhan ni girl while wala na akong update kay guy if may girlfriend na ba sya.
Konting konti nalang ba?,
O sa kunting yan maudlot pa,
Saglit palang man din tayo
Nagkakilala, ngunit akoy punong punot binuo mo na. Labis na tuwa ang nadarama sa mga alaalang kahapon lamang nagawa,ngunit ito ba ay kalabisan? O dapat lang?
**** sagot o tadhana.

Nasa sulok kagabi, pinagmamasdan ang nagiisang larawan mo sa cp, ng may ngiti, naka titig sa maamo **** mukha't, nangangarap na mahawakan ang iyong mga pisngi't mayakap ka kahit konting sandali.

Hanggang pangarap na lamang ba?
Mali ba na pangarapin ka?
Mali bang magmahal kung alam **** siya na nga?
Sana tama nga!

— The End —