Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
It'smeAlona Aug 2018
Ang hindi magmahal sa sariling wika
Ay higit sa hayop at malansang isda
Ayon sa isang taludtod na isinulat ng ating pambansang bayaning si Gat. Jose Rizal

Sa Luzon, Visayas at sa Mindanao
Wikang Filipino ang katutubong wika ko
Iba-iba man ang mga dayalekto
May ilakano, waray, bikolano at tausug
Wikang Filipino ang siyang gamit ko

Ngunit tila ba nalilimutan na ng mga milenyal
Na ang ating wika'y nararapat na pagyabungin
At bigyang halaga sa pakikipagtalastasan
Hindi ang hayaan at tuluyang iwaglit

Sa sulating pormal nga at mga sanaysay
Hindi nababanaag kung ano ang nais ipahiwatig
Kulang na nga sa mga titik
Mali pa ang baybay
Akala nila sila'y tila mahusay na

Sa mundo natin ngayon
Na makabago at teknolohiya
Tila ang Wikang Filipino'y naisasawalang bahala na
Na dapat sana'y isinasaulo't binibigyang halaga
Upang Wikang katutubo'y maipakilala sa madla
Justin Rio Aug 30
Sa paglipas ng bagyo
at pag-usbong ng araw.

Muli tayong babalik sa simula
Kung saan tayo’y dating tumubo.

Ang binhi ng pag-ibig
Nadurog man ngunit may pag-asang muling mabuhay
Hindi nagmamadali,
Sapagkat ang mga sanga’t dahon
Ay di bastang yumayabong.

Dadaan ang ulan, araw at panahon
Na muling sa atin ay magpapalago
Kung minsan nang natuyo at nasira
Ang ating mga dahon at sanga,
Ngunit naroroon pa rin ang puno.

Ngayon, magkasama, dahan-dahan
At maingat na sisimulang muli.

Bunutin ang damo ng konsensya.
Putulin ang sanga ng masamang nakaraan.
Buhusan ng tiwala ang mga ugat.
At pagyabungin sa lilim ng araw ang kapatawaran.

Darating ang oras
Na sa bawat pagsibol ng bulaklak
Sa bawat paglago ng bagong sibol na damdamin.
Ang pag-ibig na tila isang puno
Kung aalagaan, kailanman.
Hindi basta matitinag.

— The End —