Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
psyche Feb 2022
Wala nang hihigit pa
sa paglayang natamo
matapos ang mahabang gabi
ng unang paglayang ipinagluksa-

ang paglayang inilaan
sa pagbitaw
sa mga ala-alang ipininta
kalakip ng pangakong
bukas,


higit ka nang laya.
Virgel T Zantua Aug 2020
Kung ang halik mo'y namamaalam
Sa pagmamahal na hiniram
Ang mga matang sa luha ay hilam
Pait at sakit ang dinaramdam...

Ang pag-ibig na aking kinamkam
Alay ay paglayang inaasam
Na parang lason na ninanamnam
Matamis ngunit may agam-agam...

Panahon lang ang nakakaalam
Sa lahat ay s'ya ang may alam
Kahit ang lahat ay makialam
Ang wakas ng lahat ay paalam...

— The End —