Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Chin bruce Mar 2015
Sobrang pighati ang bumabalot sa hinahon ng bawat hininga
Umiiyak ng tuldok sa bawat letra
Napwepwersa ang tandang padamdam sa bawat salita
Negatibo ang laging nakikita
Nasaan ang pangarap sa bawat sanaysay?
Nasaan ang katotohanan sa tunay na buhay?
Nalinlang tayo
Galit at lait ng mundo
Sumusukob sa buong pagkatao
Di ko na makita kung nasaan na tayo
Kadiliman ang kinasusukalam
Ngayon ating pinaglalaruan
Liwanag ngayon ang pinagtataguan
Tila tayo ay napagiwanan
Nasaan na ba tayo?
Meron pa bang tayo?
Taltoy Apr 2017
Ang kalatas kong ito,
Ay talagang para sa'yo,
Wag nang isipin kung sino,
Dahil alam kong alam mo.

Gusto ko lang na malaman mo,
Kahit alam kong tunog gago,
Na ako'y may katanungan para sa'yo,
Kung mamarapatin mo.

Ginulo nito ang aking isipan,
Di ko nga rin alam, ewan,
Ngunit sagot mo'y hanap ko,
Kung sino ba ang kasalukuyang minamahal mo.

Alam kong walang kwenta,
Aaminin kong ako'y umaasa,
Inaasam ang yong pagsinta,
Sa isang tulad ko, isang dukha.

Dinadaan ko nalang sa pagiging negatibo,
Ngunit kalahati lang dun ang totoo,
Dahil ako'y tao rin naman,
Naghahangad, may mga kagustuhan.

Sinasabi kong "ganyan ang mundo",
Sinasabing iyan ang prinsipyo,
Ngunit yan ay di ko gustong paniwalaan,
Dahil dito sa nararamdaman.

Iniisip kung paano kaya,
Paano kung iyon nga?
Paano kung di lang ako?
Di lang ako ang nagkakaganito.

Ako sayo'y lubos na nagpapasalamat,
Kahit na ito'y alam kong di pa nga talaga sapat,
Ngunit ang kalatas na ito it'oy hindi ko lalagyan ng bantas,
*Dahil ang mga panahong ito'y, di ko pa gustong magwakas
Itinutula ang mga di ko kayang sabihin at gustong aminin, kaya sana kung iyong mamarapatin...
Tagalog translation:
Hindi pa nga nagsisimula, tatapusin na agad?
Kesyo daw baka ibang trabaho ang aapplyan ko na hindi daw tugma sa kursong kinuha ko
Puna ng nanay kong talak ng talak na parang pinaglihi ang bungaga sa pwet ng manok
Hindi pa nga nakapagpasa ng application letter at resume negatibo agad ang nasasabi at naiisip
Ika nga nila pride does not pay your bills.
Importante ba talaga yun? Na pride ang pinapairal at hindi na lamang lunukin ang pride
Kaya hindi umaasenso ang bansa eh dahil sa negatibong pananaw ng mga tao sa lipunan
Na imbes tulungan kutyain pa lalo
Ano bang pinpupunto mo? Ano ba ang ikinakagalit mo?
Na matulad ako sa ibang tao na sapat na ang isang kahig, isang tuka
Gusto ko naman mamuhay sa mundong ito na hindi sapat ang kakarampot lang
Ngunit ibahin mo ako sa iba, ayaw kong umasa sa salitang survival of the fittest
Gusto kong maniwala sa salitang comfort of the fittest
Ayaw ko nang ma experience ulit yung ulam na toyo, suka at mantika na ihahalo sa kanin pangtawid gutom lamang
Ayaw ko nang gawing ulam ang sabaw ng noodles na abot hanggang leeg na walang kalasa-lasa para makakain lamang kaming lahat
Ayaw ko na nung mga panahon na minsan lang ako makaranas kumain sa fastfood restaurants
Ngayon hindi na tuwing birthday o kahit anong okasyon makakakain kami, kundi kung kailan may extra sa pera ko
Hindi kahihiyan ang makakamatay sa atin kundi uhaw at gutom lamang
Mamamatay nang nakadilat ang mata mo
Kahit alam **** may oportunidad na dumadaan sa mga panahong lumilipas
Mas pinili **** tumunganga na lamang sa hangin nang walang laman ang sikmura
Imbes na magsipag para may maipakain sa pamilya kahihiyan ang inuuna
Tandaan mo, wala kang laban sa sikmura **** kumakalam at dila **** uhaw
Kung hindi ka magtyaga at maghanapbuhay.

English translation:
You haven’t even started, yet they’re already shutting you down?

They say you might apply for a job that doesn’t match the degree you took. My mom, always nagging like she was born with a rooster's mouth, keeps voicing her concerns. I haven’t even submitted an application letter or a resume, and negativity is already in the air.

They say, pride doesn’t pay the bills. But is that really important? Is pride really the issue here? Should I just swallow my pride?

This is why the country doesn’t progress—because of the negative outlook of people in society. Instead of lifting each other up, they choose to mock and tear others down.

So what is the real point here? What exactly are they angry about? Do they want me to end up like others who live paycheck to paycheck, barely scraping by?

I just want to live in this world with more than the bare minimum. But unlike others, I refuse to rely on the saying "survival of the fittest." Instead, I want to believe in "comfort of the fittest."

I never want to experience another meal where soy sauce, vinegar, and oil mixed with rice are our only options just to get through the day. I never want to rely on watered-down instant noodles that stretch to feed everyone but have no real flavor.

I never want to go back to the days when dining at a fast-food restaurant was a rare treat, reserved only for birthdays or special occasions. Now, it’s no longer just a once-a-year thing—it happens whenever I have extra money.

Shame is not what will **** us—it’s thirst and hunger. You’ll die with your eyes wide open, knowing opportunities pass you by. And yet, instead of reaching for them, you choose to sit idly, stomach empty. Rather than working hard to provide for your family, you let shame control you.

Remember this—you stand no chance against a growling stomach and a thirsty tongue if you don’t hustle and work for a living.
Sa'twing gigising sa umaga pasalamat sa taas
Kay God dahil binigyan ako ng panibagong lakas
Ang diwa ko'y ginising mo 'di na ako aantras
Kasi lagi ka nandyan kahit malamig o mabanas

Kaya halika samahan mo ako mag-almusal
Kaning Sinangag, Kape, Itlog at Pandesal
Busog na ako kaysa mga pagkaing mahal
Mahalaga ang kalusugan para buhay tumagal

Kaysarap maligo tipong natanggal ang libag
Magbihis ng damit at ako sayo'y mag hug
Kapag sa byahe lagi akong mag ingat
Alam ko sa paligid may panganib na kaharap

Sa bawat hakbang ng paa ang katawan ay umaangat
Mga mata'y tumitingin sa kaliwa't kanan at sa harap
Naglalakbay dala ang husay, talino at pangarap
Ngunit 'di bitbit ang bag na may lamang negatibo at bad

— The End —