Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Maemae Tominio Sep 2016
sana nandito ka para nayayakap  kita,
sana nandito ka para mahagkan ka,
sana kahit kaunting oras lang  makasama ka,
mapakita ko lang kung gaano ka kahalaga.

sana noon pa kita nakilala,
sana naunahan ko sya,
di ka sana nasaktan at lumuha,
sa pagtataksil at mali nyang nagawa.

sana nabuo ako ng mas maaga,
baka sakaling nakilala kita,
hindi man kita masyadong mapasaya,
pero gagawin ko ang lahat para ika'y mapaligaya.

sana hindi nalang naging komplikado,
baka sakaling maipag mamalaki mo ko,
baka masabi mo na ako talaga ang mahal mo,
walang biro at hindi nag tatago.

sana hindi nalang kita nakilala,
para hindi na tayo nahihirapang dalawa,
pero salamat parin at dumating ka,
dahil tinuruan mo kong wag magpakatanga sakanya.

sana pinigilan ko nalang nararamdaman ko sayo,
para hindi ako luluha kapag iniwan mo,
sana hindi kita pinakinggan noong nagkagulo,
edi sana ngayon malaya na tayo.

sana kung may mag babalik ng nakaraan,
mas pipiliin kong manahimik nalang,
hindi magsasalita ng tunay na nararamdaman,
para sa huli wala ng nasasaktan.

alam kong minahal mo ko ng sobra,
pero hindi mo ba naisip  na mas mahal kita,
mas pipiliin kong maging masaya sila,
kaysa sa kaligayahan nating dalawa.

pero sa tuwing bibitawan na kita,
hindi mo alam kung gaano kasakit na mawalay ka,
kahit pigilan kong huwag pumatak ang mga luha,
wala akong magawa dahil kusa silang nagwawala.

sa rami ng pag subok na nalagpasan,
alam kong hindi pa iyon ang katapusan,
marami pang darating at dapat pag handaan,
ngunit di ko alam kung kaya ko pang labanan.

hindi ko alam kung naubos na ba ang luha ko sa kaiiyak,
dahil sa tuwing may problema ni isang butil walang pumapatak,
sanay na siguro ako sa relasyong ito,
panay iyak, away at gulo.

mahal kita kaya pilit kong kinakalimutan mga pangyayari,
kahit magulo,  alam kong sa puso mo ako'y bawing bawi,
hindi kita iiwan ano man ang mangyari,
kung iiwan man kita asahan **** ako ay uuwi.

pagpasensyahan mo na kung abnormal ako minsan,
ganto talaga ako pero masarap mag mahal,
minsan ka ng iniwan ngunit di ka kakalimutan,
bihira ka lang makahanap ng katulad ko na mapag mahal.

alam kong masasakit ang lahat ng Sanang nasabi ko,
isip ang may gusto ngunit puso'y binabago,
sana tama ang puso kong manatili sayo,
sayo mahal ko , puso ko' y sinakop mo.

#love
#chances
Maria Leslie Aug 24
I haven't really heard
your voice
but with your words
you touched my heart
when you loved

I guess this is the love
that I've been looking for
for a long time

I'm thirsty for true love

I'm hungry for the lack of life

I'm looking for a support
for my tired body

you found the
sadness of my eyes

when I got to know
you completely
I'm a child and
you are my true father

in heaven you are always there
I always see you
and in your light
that is boundless

I want to live in your
love and affection

by your side
I want to hug you
and feel your love for me
but
on the other hand
I am embracing your love

with your holy spirit
You embraced my heart
that was afraid of the dark

with your secret voice
and metaphorical words
My eyes knelt
in praise of you

the secret the path
you have pointed
towards you
The witness is
the eternal love
of a father
who created everything

the true home is with you

the owner of lives
with you my life
will return to you
and rest with you

in your love
and in your hands
there is no more sadness and fear

that I encounter
in your love
the long
lack of my life
and in my roots
you are waiting

in healing
you are the owner of the space
in my heart and life
that I am waiting for
that is not in the world
and I cannot see in people
Even in the world

I love you father creator
In you I have seen
True love
You are true love

You are my true love

You have no equal
You are the highest of all
I want to be with you

In your presence
In your beside
The throne of my
Sorrow and joy
My pleasure is your
Eternal glory
And when you love

Your love is the greatest
By your word I live
By your blessing I came to life
By your love and voice
I breathe

Your feelings and plans
To our children and your creation

You are the true father to all with
The greatest love.


*****

"ℙ𝕚𝕟𝕒𝕜𝕒 𝔻𝕒𝕜𝕚𝕝𝕒𝕟𝕘 ℙ𝕒𝕘𝕚𝕓𝕚𝕘"

Hindi ko pa totoong naririnig
ang boses mo
pero sa iyong mga salita
hinipo mo ang aking puso
sa pag mamahal mo

ito na yata Ang pag ibig
na matagal ko ng hinahanap

nauuhaw ako sa tunay na pag ibig

nagugutom ako sa kawalan ng buhay

naghahanap ng sandalan
ang napapagod kong katawan

nasumpungan mo ang
lungkot ng aking mga mata

nang makilala kita ng lubusan
akoy isang anak at
ikaw ay ang aking tunay na ama

sa langit palagi kang naroon
nasisilayan kita palagi
at sa iyong liwanag na walang hangganan

nais kong tumira sa iyong
pagmamahal at pag ibig

sa iyong tabi
gusto kitang mayakap at damhin ang iyong pagmamahal sa akin
ngunit
sa kabilang dako ko
nayayakap ang pagmamahal mo

sa iyong banal na espiritu
niyakap mo ang puso ko
na takot sa dilim

sa lihim **** boses
at matatalinghagang salita
lumuhod ang mga mata ko
sa pagpupuri sayo

ang lihim na daan tinuro mo
papunta sa iyo
Ang saksi ay
ang walang hanggang pag ibig
ng isang ama na may lalang ng lahat

ang tunay na bahay ay nasa iyong piling

ang may ari ng mga buhay
sayo ang buhay ko
ay uuwi sa piling mo
at magpahinga sa piling mo

sa iyong pagmamahal
at sa iyong mga kamay
ay wala ng lungkot at takot pa

na sumpungan ko
sa iyong pagmamahal
ang matagal ng
kulang sa buhay ko
at sa mga ugat ko
ikaw ay hinihintay

sa kagalingan
ikaw ang may ari na puwang
sa puso at buhay ko
na hinihintay ko
na wala sa mundo
at hindi ko makita sa mga tao
Maging sa mundo

Mahal kita amang lumikha
Sa iyo ko nakita
Ang tunay na pag ibig
Ikaw ang tunay na pag ibig

Ikaw ang tunay na pag ibig ko

Wala kang kapantay
Ikaw ang pinaka taas ng lahat
Gusto kitang makasama

Sa iyong piling
Sa iyong tabi
Ang luklukan ng aking
Hinagpis at kagalakan
Kasiyahan ko ang iyong
Walang hanggang kaluwalhatian
At pag mamahal

Pinakadakila ang pag ibig mo
Sa iyong salita ako nabubuhay
Sa iyong pagpapala ako nabuhay
Sa iyong pagibig at tinig
Ako humihinga

Ang iyong damdamin at mga plano
Sa aming mga anak at nilikha mo

Ikaw ang tunay na ama sa lahat na may
Pinaka dakilang pag ibig.
Written: 1.29.2025
“I dedicated this poem to God
this is poem for our Father God
the creator of heaven and earth.”
shadow Apr 2021
Sa dinami rami ng tulang naisulat ko,
ito ang aking paborito,
ito ang ayaw kong lagyan ng tuldok;
at gusto ko sanang samahan ng ritmo,
hindi ko alam kung anong napansin ko sa'yo,
o kung ano mang mahika ang ginamit mo para mapaibig ako,
oo,
inaamin ko,
ikaw ang tulang ayaw kong matapos,
gusto kong sulitin at ubusin
ang pantig,
hanggang sa maghikaos;
hanggang sa mabuos ang tinta ng ginagamit kong panulat,
ikaw ang bituin na aking tititigan
hanggang sa lumubog ang buwan,
ikaw ang aking nanaising mahawakan-
habang natatakot,
habang iniisip na ang bukas ay baka sakaling hindi na ikaw ang katabi,
na baka bukas ay nasa ibang bisig-
o sa iba na nakalapat ang 'yong labi.
ayokong matapos ng umaga ng walang pasintabi,
ayokong mawala ka sa'kin nang hindi kita nayayakap,
at kapag nakagapos na'ko;
asahan **** hindi ako bibitaw,
aantayin ko ang muling pagsikat ng araw,
para mapanatag ang aking isip,
na sa aking paggising,
ay hindi ka pa nakabitaw.

— The End —