Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lance Cecilia Jan 2017
Kumapit ka.

'Wag kang bibitiw mula sa 'king kapit,
Kung kailanga'y dakutin mo ang aking damit.
'Wag nang mag-atubili at ika'y humawak nang mahigpit,
At makinig sa lahat ng aking mababanggit.

Hindi lahat ng pangarap ay nakakamit.
Hindi lahat ng bituin ay naaabot.
Hindi lahat ng bundok ay naaakyat,
At hindi lahat ng kapatagan ay nalilibot.

Hindi lahat ng bukang-liwayway at dapithapon ay romantiko,
Ngunit bakit kaya'y sa bawat pagsalubong ko sa araw ay ikaw lang ang laman ng isip ko?
Hindi lahat ng panahong magkasama tayo ay puno ng kilig,
Pero bakit kaya'y tila nauuwi na yata ito sa pag-ibig?

Hindi lahat ng araw ay puno ako ng tuwa,
Pero salamat nga pala sapagkat ikaw ang dahilan ng aking saya.
Hindi lahat ng tulog ko ay mahimbing at mabisa,
Ngunit dahil ikaw ang aking panaginip, salamat na rin pala.

Ikaw ang pangarap na gusto kong makamit,
Ang bituing nais maabot,
Ang bundok na iniibig kong akyatin,
Ang kapatagang gustong malibot.

Kapag kasama ka'y ang bawat takipsilim ay nagiging romantiko,
Nagiging matingkad ang kulay ng bawat bahaghari,
Nagiging sabay ang kumpas ng bawat kanta sa tibok ng aking puso,
At nagiging katotohanan ang isang pangarap na nais kong makamit

Ngunit salamat sa pagturo sa 'kin
Na hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal din.
Hindi lahat ng ginawa ko ay kaya **** gawin.
At ang pinakamasakit sa lahat, ay 'di mo pa rin ako kayang mahalin.
elisha Jul 14
Sabi ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal. “Kabataan ang pag-asa ng bayan” kung totoo ito, bakit marami pa ring kabataan sa ating bansa ang hindi nakakapag-aaral ?
Ito ba lamang ay tila isa lamang paalala at hindi isang realidad, paalala lang ba sa mga magaaral na magaaral ng mabuti, o ito ba ay isang kasabihan na sumisigaw sa mga tao na ang kaalaman ay hindi dapat mapagkait. Ang kahalagahan ng edukasyon ay marahil na malinaw na sa mga tao, sa pagkat na kasalalay ng kinabukasan ng lipunan sa mga bagong henerasyon, kaya bakit naman ang karunogan na napagakakait sa mga kabataan,

Hindi pa sumisikat ang araw at bumibiyahe na ang mga bata upang makapag-aral ang ilan ay kailagan pa dumaan sa masusukal na gubat, ilog at mga bundok, ito ang mga suliranin ng  karamihan sa mga magaaral na ninirahan sa mga probinsya, kailangang maglakad ng ilang kilometro upang makapasok sa paaralan. Maraming sa mga kabataan ang gustong mag-aral ngunit dahil sa kahirapan, kakulangan sa pasilidad ng lugar na pagtatayo ng mga paaralan ang ilan sa mga hadlang sa tamang edukasyon. Dahil sa kakulangan at mabagal na pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa, maraming tao ang nahuhulog sa kahirapan, imbes na ang mga musmos na kabataan ay nag sisipag-aral ay napipilitang magtrabaho para matulungan man lang ang kanilang pamilya at walang sapat na pera para bigyang pansin ang kanilang pag-aaral.
Sa halip na bigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon, tila’y nagiging na sa hulihan ito pagdating sa budget at atensyon. Kung tunay ngang ang kabataan ang pag-asa ng bayan, bakit hindi ito pinaninindigan ng mga nasa kapangyarihan? Totoo nga na ang bagong henerasyon ang mag aangat sa ating lipunan, pero hindi ito makakamit kung hindi tinutugunan ng gobyerno ang mga suliraning kinahaharap ng sektor ng edukasyon.

Hindi sapat ng mga salita na ang kabataan ang pagasa ng bayan kung hindi tinutugunan at binigiyan ng tamang pagsosoprta ng gobyerno ang mga pagaaral.
Dapat tiyak na bawat bata, nakatira man sila sa isang lungsod o kabundukan, may kaya man o sa dukha, ay nararapatdapat na may pantay na oportunidad upang  matuto at mangarap, sapagkat ang kaalaman ay dapat libre at nakakamit ng lahat. Hangga’t may mga batang hindi makapasok sa paaralan dahil sa kahirapan o kawalan ng oportunidad, mananatiling pangarap lamang na ang “Kabataan ang pag-asa ng bayan".

— The End —