Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eden Tucay Aug 2016

Hindi lahat ng prinsipyo ay tama gaano man ito kapositibo. Ang kawastuhan ng bawat prinsipyo at pananaw ay naaayon sa: panahon, tao, katangian at kakayanan nito, konkretong kalagayan at kung minsa'y kasama pati ang kulturang kinabibilanagan.
Kaya ang sabihing "wag **** masyadong seryosohin ang buhay" o kung ano pang mga kasabihan, ay maaaring tama at mali, ayon sa mga nabanggit.
Ano't ano pa man, ikaw pa rin ang huling magpapasya. Ano man ang maging pananaw ng ilan sa iyo, ituring **** ito'y bahagi lamang ng buhay...ng buhay mo at hindi nila.

4/1/2016 - Hindi porke nagiisa malungkot na. Dahil mas malungkot kung nakiki-high five ka sa lahat pero pag talikod mo fina-**** u ka na pala.

4/4/2016 - kahit ano pang sabihin nila, mas masarap pa rin sa pakiramdam yung umiintindi ka ng kapwa kesa sa naninira ng kapwa. kaya sa tingin mo sinong may mas masarap na pakiramdam ngayon?

4/11/2016 - napag-alaman kong hindi sa lahat ng pagkakataon ang iyong pagpapagal ay may mabuting kapalit...na ang iyong mga inaasahan ay may balik. hindi sa lahat ng panahon ang polisiya ay nasusunod.. ni ang itinakdang panukat ang siyang ginagamit na panukat.


4/21/16 - kahit ginawan ka ng masama ng iba, nasaktan ka, 'wag kang gaganti...dahil hindi mo trabaho yun. 'wag **** agawan ng trabaho ang Diyos. Dahil alam mo sa sarili mo pag ang Diyos ang gumati, mas sakto at perpekto.

4/26/16 - Those people who mocks prayer entertain curse to their lives.


4/27/2016 - "ang position nilalagay sa puso, hindi sa ulo." - M' Avie


5/11/2016 - Alin ang mas pinaka-nakakapagod, ang magtrabaho gamit ang isip o gamit ang pisikal na katawan? Kasi sa totoo lang, wala naman talagang nakakapagod doon...mas nakakapagod makitungo sa mga katrabahong mahirap pakitunguhan...

6/6/2016 - Duwag lang ang nagpaparinig.

7/12/2016 - Wala naman talagang absolute fairness, dahil ang tao minsan nagdidesisyon sa ngalan ng "fairness" nilang tinatawag pero ang totoo, ito ay nagsisilbi pa rin sa kanilang interes dahil may integridad silang pinapangalagaan. Doon masasabi ng iba, "fair" ang taong ito.

7/28/2016 - monologue at bugtungan


"Ginagawa ko naman ang trabaho ko pero habang tumatagal ako sa serbisyo hindi ako nadadagdagan kundi nababawasan." - Lapis

"Tingin-tingin, maghapong nakatingin. Kahit pa magdamag, 24/7 walang kurap." - CCTV (tao, bagay, hayop?) :-)

"Gusto nila sa akin laging mabilis dahil pag bumagal ako sasabihin nila "nakakainis", "walang kwenta.", etc, etc. - BAGP network
marrion Sep 2019
Mahal ko ang Pilipinas
pero hindi ng walang kapintasan
Mahal ko sya kahit
traffic ay di nababawasan
Mahal ko sya kahit
talamak pa rin ang kahirapan
At patuloy kong mamahalin
Pagkat siya ang bayan ko
na sinilangan

Kahit problema nya sa droga
ay hindi nalulunasan
Kahit mga teritoryo pa nya
ay unti-unti nang nababawasan
Kahit mas marami pa sa tama
ang mali sa aking bayan
Mahal pa rin kita, Pilipinas
Hinding-hindi kita iiwan
.......
JOJO C PINCA Nov 2017
Kahapon pagdaan ko sa Angeles City sa Mabalacat, Pampangga nakita ko sila. Sandali kong pinagmasdan ang kanilang pangkat na nagpapahinga sa may gasolinahan. Hindi ko maiwasan na malungkot.

Mahirap talagang maging mahirap, alam mo yung buhay ng isang kahig, isang-tuka, yung kakalam-kalam ang sikmura tapos hampas lupa? Yung hindi nakaka pag-almusal dahil walang pambili ng pandesal, na madalas ay nililipasan ng pananghalian at malimit na nakakatulog sa gabi ng walang hapunan.

Yung dalagitang nanggigitata may sanggol sa tagiliran, nagpapalimos sa gitna ng kalsada, kumakatok sa mga kotse, tinitiis ang nakakapasong init ng tanghaling-tapat. Nakaka-awa ang sanggol walang malay, walang muang, hindi n’ya pa naiintindihan ang kalupitan na kanyang dinaranas.

Ang maka-diyos na lipunan at makabayang mga pulitiko alam kaya nila ito? Ramdam kaya nila ang hapdi ng sikmura ng mga pulubi? Bakit ganito? Ewan ko, hindi ko rin alam ang puno’t dulo, hindi ko rin maintindihan ang lahat. Ang alam ko lang hindi sila nababawasan sa halip lalo silang dumadami habang sinasabi ng mga pulitiko na mahal nila at handang tulungan ang mga mahihirap.
Kung malamig o basa ang daraanan
Wag mo akong pilitan kailanman,
baka sa bangin ka matagpuan.
Ngunit, habang lalong umiinit,
Ang kapit ko’y humihigpit.
Dulas ay tuluyang nababawasan
habang palapit sa paroroonan.
Claudee Jul 2017
ang huling beses
ay mahinahong lason sa lahat ng unang beses
sa una **** mga hakbang, ang huli kong pagtapak
at sa huli kong kahinaan, ang una **** pagkabasag

sa huling beses
hihiling ako ng mga unang beses
parang pagbukas sa bawat nagyeyelong bote
na nababawasan ma'y lunas sa mapagtanong kong uhaw
English:

You know what the most painful slap is? Not the slap of a hand, quick and sharp, the kind that leaves a mark you can wash off. No… the real slap is reality itself. Cold. Unforgiving. Merciless. The kind that hits when you’re standing tall, thinking you’re invincible, and suddenly the world yanks the rug out from under you.

I finally realized just how cruel life can be when you have no money. Suddenly, everywhere you go, everything you touch, every single step you take, every decision you make… it has a price. Every dream you nurture, every plan you hatch… all of it comes with a tag: “paid in cash or not at all.” And you realize… you don’t have it. Not today, not tomorrow, not maybe even ever.

It’s a slap that leaves no bruise on your skin, but one that bruises your soul. It hits in ways you never imagined. You feel it in your chest, in your gut, in the hollowness of your pockets and the heaviness in your hands. Talent alone doesn’t matter. Effort alone doesn’t matter. Desire alone doesn’t matter. You can be brilliant, hardworking, relentless—but without money, the world doesn’t even see you.

And yet… maybe the cruelest part isn’t just for you. Maybe the hardest truth is that there are so many who live like this every day, who wake up hoping, who try, who fight—and still the world turns its back on them. You look at them and feel that shared ache, that collective bruise on the soul. You realize you’re not alone in this, and yet… that doesn’t make it hurt any less.

The truth stares at you from every corner. The café you wanted to sit in, the bus you need to ride, the dreams you want to chase… all of it demands what you don’t have. And suddenly, the illusion of freedom, the idea that life will reward the good and the hardworking… it shatters. You feel small. Invisible. Replaceable. And in that moment, your heart reaches out silently to everyone else who’s been knocked down the same way.

And it hurts. Oh, it hurts like nothing else. Because as you grow up, as you learn, as you fight, you realize that life isn’t fair. That life doesn’t bend for anyone. That even the brightest soul, the fiercest heart, the most daring spirit… if it’s not backed by money, it’s treated like it’s worthless.

But maybe… maybe this is where courage is born. Maybe this is where survival is forged. You learn to fight with what little you have. You learn to be clever when the world tries to crush you. You learn to stockpile knowledge, to sharpen your instincts, to build strength from scraps. And maybe, just maybe, in this shared struggle, you find empathy—for yourself, for others, for anyone who’s ever felt invisible, unheard, unseen.

Because one day… one day, even if reality keeps slapping you down, even if the world seems determined to keep you small, you will rise. And in rising, you carry with you the memory of those bruises—not as shame, not as weakness—but as proof that you survived. You will rise and take what you’re owed—even if it’s a place the world tried to deny you.

Life is brutal. Life is unfair. Life is relentless. But in its cruelty, it teaches you to endure. In its coldness, it teaches you to become sharper, stronger, harder. And maybe… maybe one day, that slap that once broke you will be the very thing that allows you to extend a hand to someone else, the way someone once needed to reach for you.

Because empathy doesn’t soften reality—it strengthens you. And it reminds you that no one has to face it alone.

Tagalog version (mas dama mo trust me):

Alam mo ba kung ano ang pinaka-masakit na sampal? Hindi yung sampal ng kamay—yung mabilis at matalim na minsang nag-iiwan ng marka na kusang nawawala. Hindi… yung tunay na sampal ay yung hatid ng realidad. Malamig. Walang awa. Matigas. Yung biglang hihila sa’yo mula sa pedestal mo, at ipapakita sa’yo na ang mundo… hindi ito nag-aalaga sa mga pangarap mo, sa talento mo, sa sipag mo.

Na-realize ko lang kung gaano kasakit ang buhay kapag wala kang pera. Bigla kang maiiwan sa gitna ng lahat, at bawat hakbang mo, bawat desisyon mo, bawat pangarap na pinanghahawakan mo… lahat may presyo. Kahit saan ka tumingin, kahit anong subukan **** gawin—lahat may paalala: “Pera lang ang sagot.”

At masasampal ka. Hindi sa balat, kundi sa puso, sa tiyan, sa kaluluwa. Ang galing mo, ang sipag mo, ang ambisyon mo… hindi mahalaga kung wala kang pera. Parang mundo’y hindi ka nakikita, parang wala kang karapatan.

At siguro… pinakamalupit sa lahat, hindi lang para sa’yo ito. Maraming tao ang ganito ang dinaranas bawat araw. Gumigising, nagsusumikap, nangangarap… pero tinitiis ng mundo na sila’y hindi pansinin. Ramdam mo ang sama ng loob nila, ramdam mo ang sakit… at kahit ramdam mo na hindi ka nag-iisa, hindi pa rin nababawasan ang kirot.

Lahat ng paligid mo, kahit simpleng kape, kahit bus na sasakyan mo, kahit mga pangarap na pinapangarap mo—lahat may presyo. At bigla, naiinip ka sa ilusyon ng kalayaan, sa paniniwala na ang sipag at kabutihan ay gagantimpalaan. Parang napakaliit mo. Parang wala ka. Parang napapalitan. At sa sandaling iyon, naiisip mo rin ang lahat ng tao na natapakan sa parehong paraan.

Masakit. Sobrang sakit. Kasi habang lumalaki ka, natututo ka, nakikipaglaban ka… malalaman mo na hindi patas ang buhay. Hindi ito yumuyuko para sa kahit sino. Kahit gaano ka-katalino, kahit gaano ka-tapang, kahit gaano ka-determinado… kung wala kang pera, parang wala kang halaga.

Pero siguro… dito nagsisimula ang tapang. Dito rin natututo kang makipaglaban sa kaunting mayroon ka. Natututo kang maging matalino kahit sinusubok ka ng mundo. Natututo kang mag-ipon ng lakas, ng kaalaman, ng karanasan. At siguro, sa parehong hirap na ito, natututo ka rin ng empatiya—para sa sarili mo, para sa iba, para sa sinumang nararamdaman ang invisibility at kawalang-pansin.

Dahil darating din ang araw… darating ang araw na kahit patuloy kang binabagsak ng realidad, kahit ang mundo’y tila ayaw kang makita, babangon ka. At sa pagbangon mo, dala mo ang alaala ng mga sugat—hindi bilang kahinaan, kundi bilang patunay na nakaligtas ka. Babangon ka at kukunin ang karapatan mo—kahit pilit itong itinanggi sa’yo ng mundo.

Brutal ang buhay. Hindi patas. Walang awa. Pero sa kabagsikan nito, natututo kang tiisin. Sa lamig nito, natututo kang maging matatag. At siguro… darating ang araw na yung sampal na minsan ay bumagsak sa’yo, ang siyang magtuturo sa’yo na mag-abot ng kamay sa iba, kagaya ng mga taong minsang dapat umabot sa’yo.

Dahil ang empatiya… hindi nagpapalambot ng realidad. Pinapalakas ka nito. At pinapaalala sa’yo na hindi kailangang harapin ito nang mag-isa.

— The End —