Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ezekiel Navea Aug 2019
Kung ito ang kahulugan
Pag-ibig na matagalan
Pangako'y panghahawakan
Hanggang 'di na makalaban

Ang damdaming lumiliyag
Siya ang namamayagpag
Tila narra na matatag
'Di kailanman matitinag

Hawak-hawak pa ang relo
Kahit maging isang yelo
Hinding-hindi susuko
Sa iyo, itong puso ko

Mag-iba pa man ang mundo
Ako'y hindi magbabago
Sayang lamang kung hihinto
Itataga ko sa bato

Handang sayangin ang oras
Sa pag-ibig **** kay wagas
Panahon man ay lumipas
Ngunit ito'y 'di kukupas
LaraOcal Nov 2017
Sa di inaasahang pangyayari
Ang nagpabago sa bayan ng Marawi
Pagbabagong susukat ng katatagan
Makamit lang ang kapayapaan

Mahirap man umalis sa tirihan
Ngunit mahirap mawalan ng masisilungan
Hindi bagyo at hindi rin baha
Ang dahilan ng pagkasira

Hindi makubli ang takot at pangamba
Mga batang mulat sa ingay ng mga bala
Mga tanong sa sarili bakit, ito nangyari?
Nawa'y makapagsimula muli

Mga bayaning sundalo
Taas noong tatayo
Hindi matitinag ang lahing Pilipino
Handang mamatay para sa kapwa Pilipino

Taimtim na dalangin
Lahat ay kakayanin
Tungo sa pag-asa
Mamulat,magmulat at makiisa

Aking ilalarawan
Lugar ng puno ng kasiyahan
Pagbubuklod at pagtutulungan
Yan ang tunay na katapangan.
Jan C Jun 13
Kung limutin man ng langit ang bituin,
At apoy ay lunurin ng dumadaloy na alin,
Mananatili akong naroon—tahimik, totoo,
Yakap pa rin kita, kahit saan magtungo.

Kung ang halakhak ay alingawngaw na lamang,
At ang lupa’y baon na sa katahimikan,
Kahit ganito, hindi ako lalayo,
Pag-ibig ko’y di matitinag, di magbabago.

Hayaan mang gumuho ang kabundukan,
At ang dagat ay sakupin ang kalangitan—
Ako'y magiging bundok mo, matatag, buo,
Nananatili, at patuloy kang inuupo.
https://open.spotify.com/track/6Njoyu4X5lMORCxImcam1K?si=33c72f250a024f4f
Justin Rio Aug 30
Sa paglipas ng bagyo
at pag-usbong ng araw.

Muli tayong babalik sa simula
Kung saan tayo’y dating tumubo.

Ang binhi ng pag-ibig
Nadurog man ngunit may pag-asang muling mabuhay
Hindi nagmamadali,
Sapagkat ang mga sanga’t dahon
Ay di bastang yumayabong.

Dadaan ang ulan, araw at panahon
Na muling sa atin ay magpapalago
Kung minsan nang natuyo at nasira
Ang ating mga dahon at sanga,
Ngunit naroroon pa rin ang puno.

Ngayon, magkasama, dahan-dahan
At maingat na sisimulang muli.

Bunutin ang damo ng konsensya.
Putulin ang sanga ng masamang nakaraan.
Buhusan ng tiwala ang mga ugat.
At pagyabungin sa lilim ng araw ang kapatawaran.

Darating ang oras
Na sa bawat pagsibol ng bulaklak
Sa bawat paglago ng bagong sibol na damdamin.
Ang pag-ibig na tila isang puno
Kung aalagaan, kailanman.
Hindi basta matitinag.

— The End —