Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jandel Uy Mar 2017
Ikaw na babaeng sumasayaw sa dilim,
   Ikaw na nakakapit sa patalim:

Di ba nasusugat ang porselanang palad
    Na kasing lambot ng puwit ng sanggol?

Sa matalim na kutsilyong kinakapitan
      Ano mang oras hahatulan ng lipunan?

At sa higpit ng piring mo sa mata,
     Pasasaan pa't mabubulag ka na

Ikaw na babaeng gumigiling-giling,
   Iba't ibang laway ang pinanghihilamos gabi-gabi

Ang sugatan **** puso'y walang gamot
    Ngunit ang kandungan mo'y sagot

Sa mga problema ng mga lalakeng–
      Naghahanap ng panandaliang saya.

Ikaw ba, babaeng hubad,
   Naranasan mo na ba ang lumigaya?

Kumusta na ba ang anak mo sa una **** nobyo?
     Balita ko'y di ka na niya kilala.

Hindi ba't may tatlo ka pa sa probinsiya
   Na pinagkakasiya ang padala **** barya?

Naalala mo ba ang bilin sa 'yo
     Ni Karla na siyang una **** bugaw?

"Huwag **** bigyan ng puwang sa utak mo
      Ang sasabihin ng Inay mo.

Sasampalin ka niya, di ng palad niya,
     Kun'di sakit na dama ng isang Ina.

At iyon ang pinakamasakit
    Sa lahat ng puwedeng sumakit."

Ilang ulit mo na bang tinanong ang sarili
   Kung saan ka nagkamali?

Kung ilang liko ang ginawa
     Para mapunta sa hawlang 'sing dilim ng kuweba

Na pinamamahayan ng mga paniking
     Takot sa liwanag na magpapakita ng mga galos

Na bunga ng mga gabing kinukurot ang sarili,
     Tinatanong, hinihiling na sana'y bangungot lamang

Ang buhay nila sa dilim,
    Pasasaan pa't nasanay na rin.

Ikaw na isang mabahong lihim
   Ng mga mister na may misis na bungangera

Ha'mo na't sa iyo naman sila panatag
     Sa mga suso **** malusog, pinili nilang humimbing.

Ikaw na pantasiya ng karamihan,
   Ano ba ang pakiramdam ng pinagsasalsalan

Ng mga nagbibinatang hindi pa tuli,
      Ng mga lalakeng di kaya ang presiyo mo,

O ng matandang libog na libog sa mabango **** kepyas
      Ngunit nanghihiram ng lakas at tigas sa ******?

Saan ka na ba nakapuwesto ngayon?
    Sa Malate, Morayta, Quiapo, o Aurora?

Ilan na ba ang napuntahan mo?
  Ilan pa ba ang bibiyayaan mo ng iyong alindog?

Sa Makati Ave, Pasay, o sa Parañaque?
      Ha'mo na't langit pa rin naman ang dala mo

Kahit na alam ninyo ng Diyos
    Na nakaukit na ang pangalan mo sa impyerno.

Ikaw na babaeng walang pangalan,
   Ano ba ang itatawag ko sa 'yo?

Ilan na ba ang nahiram mo sa tabloid
  O sa mga artistang iniidolo mo?

Kathryn, Julia, Nadine, Meg, Yen, Anne
    Yna, Katya, Ara, Cristine, Kristine, Maui

Daria, Pepsi, RC, Susan, Gloria, Lorna, Aida, Fe
    Vilma, Sharon, Nora, Maricel, Dina

Ikaw na babaeng 'sing nipis ng balat ng sibuyas ang saplot
   Di ka ba nilalamig sa pag-iisa mo?

Ikaw na babaeng marumi,
  Sadsad na sa lupa ang lipad, saan ka pupunta?

Wala ka nang kawala sa dilim,
     Pasasaan pa't malalagutan ka rin ng hininga
        at  magpapasalamat sa biyaya.

Ikaw na babaeng bukod tangi,
   Ginawa **** lahat pero hindi naging patas ang mundo.

Lunukin mo na lang ang mga hibla ng pagsisisi
    Ipagdadasal kong huwag nang magdilim sa hawla mo.
fatima Dec 2019
naglalakad sa gitna ng kadiliman
at nakapikit sa paghakbang ng walang kasiguraduhan
ang sigaw ng paghihirap ay tinik sa lalamunan
ang pighati ay dinadala sa paglalakbay

ilang patalim na ang aking tinahak
makuha lamang ang ninanais ng kaluluwa
ngunit bakit kahit ilang patalim ang lunukin
kailanma'y hindi makakamtan ang ninanais

binalot ng pait at galit sa paghihirap
may pag-asa pa nga bang matatanaw
sa isang paglalakbay na puno ng sakit
isang sakit na unti-unting lumulumpo sa aking kaluluwa

mababatid pa nga ba ang kinabukasan
sa paglalakbay na puno ng hinagpis
at pag-inda ng mabibigat na dalahin
sa isang pikit-matang paghihirap.
Tagalog translation:
Hindi pa nga nagsisimula, tatapusin na agad?
Kesyo daw baka ibang trabaho ang aapplyan ko na hindi daw tugma sa kursong kinuha ko
Puna ng nanay kong talak ng talak na parang pinaglihi ang bungaga sa pwet ng manok
Hindi pa nga nakapagpasa ng application letter at resume negatibo agad ang nasasabi at naiisip
Ika nga nila pride does not pay your bills.
Importante ba talaga yun? Na pride ang pinapairal at hindi na lamang lunukin ang pride
Kaya hindi umaasenso ang bansa eh dahil sa negatibong pananaw ng mga tao sa lipunan
Na imbes tulungan kutyain pa lalo
Ano bang pinpupunto mo? Ano ba ang ikinakagalit mo?
Na matulad ako sa ibang tao na sapat na ang isang kahig, isang tuka
Gusto ko naman mamuhay sa mundong ito na hindi sapat ang kakarampot lang
Ngunit ibahin mo ako sa iba, ayaw kong umasa sa salitang survival of the fittest
Gusto kong maniwala sa salitang comfort of the fittest
Ayaw ko nang ma experience ulit yung ulam na toyo, suka at mantika na ihahalo sa kanin pangtawid gutom lamang
Ayaw ko nang gawing ulam ang sabaw ng noodles na abot hanggang leeg na walang kalasa-lasa para makakain lamang kaming lahat
Ayaw ko na nung mga panahon na minsan lang ako makaranas kumain sa fastfood restaurants
Ngayon hindi na tuwing birthday o kahit anong okasyon makakakain kami, kundi kung kailan may extra sa pera ko
Hindi kahihiyan ang makakamatay sa atin kundi uhaw at gutom lamang
Mamamatay nang nakadilat ang mata mo
Kahit alam **** may oportunidad na dumadaan sa mga panahong lumilipas
Mas pinili **** tumunganga na lamang sa hangin nang walang laman ang sikmura
Imbes na magsipag para may maipakain sa pamilya kahihiyan ang inuuna
Tandaan mo, wala kang laban sa sikmura **** kumakalam at dila **** uhaw
Kung hindi ka magtyaga at maghanapbuhay.

English translation:
You haven’t even started, yet they’re already shutting you down?

They say you might apply for a job that doesn’t match the degree you took. My mom, always nagging like she was born with a rooster's mouth, keeps voicing her concerns. I haven’t even submitted an application letter or a resume, and negativity is already in the air.

They say, pride doesn’t pay the bills. But is that really important? Is pride really the issue here? Should I just swallow my pride?

This is why the country doesn’t progress—because of the negative outlook of people in society. Instead of lifting each other up, they choose to mock and tear others down.

So what is the real point here? What exactly are they angry about? Do they want me to end up like others who live paycheck to paycheck, barely scraping by?

I just want to live in this world with more than the bare minimum. But unlike others, I refuse to rely on the saying "survival of the fittest." Instead, I want to believe in "comfort of the fittest."

I never want to experience another meal where soy sauce, vinegar, and oil mixed with rice are our only options just to get through the day. I never want to rely on watered-down instant noodles that stretch to feed everyone but have no real flavor.

I never want to go back to the days when dining at a fast-food restaurant was a rare treat, reserved only for birthdays or special occasions. Now, it’s no longer just a once-a-year thing—it happens whenever I have extra money.

Shame is not what will **** us—it’s thirst and hunger. You’ll die with your eyes wide open, knowing opportunities pass you by. And yet, instead of reaching for them, you choose to sit idly, stomach empty. Rather than working hard to provide for your family, you let shame control you.

Remember this—you stand no chance against a growling stomach and a thirsty tongue if you don’t hustle and work for a living.

— The End —