Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Crissel Famorcan Apr 2017
May isang bagay na nais kong sabihin
May mga salita akong nais na bawiin,
Di ko alam kung dapat ko pa bang banggitin
Pero kahit saglit, ako sana'y iyong dinggin
Naaalala mo pa ba nitong araw na nagdaan?
Isang tula mula sa akin ang iyong napakinggan
Huling Mensahe kuno kaya ako nagpaalam
Ipinangako na pipilitin kong maparam
Na pipilitin kong mawala
Itong damdamin na di ko alam kung paano ba nagsimula
At mas lalong di ko alam kung paano mawawala!
Ano ano pa ba ang mga dapat na gawin?
Bakit ba kay hirap nitong tanggalin?
Inunfriend ka sa fb, dinelete message mo
Di ka pinapansin,umiiwas na ko ng todo
Lahat na yata ng paraan ginawa ko
Pero di ka pa rin talaga natiis ng puso ko
Kanina lang kausap ulit kita
Napapangiti tuloy ako ng para bang tanga
Nagsasalita na ako dito mag isa
Mga tao sa paligid ko para bang nagtataka
Mga kasama ko bigla na lang napapanganga
Eh ano bang **** nila?
Minsan na nga lang maging masaya,
Papakialaman pa ba?
Minsan na nga lang magkaroon ng sigla
Itong mundo kong puno ng lungkot, ng takot,ng pangamba, ng kawalang pag asa,
Kaya salamat talaga at nariyan ka
Picture mo pa lang ang laki na ng epekto,
Para akong sira ang ulo, malaki ang depekto
Sa isip na walang ibang laman kundi ikaw
At puso na walang ibang sinisigaw
Kundi ang pangalan ng nag iisang ikaw
At magdaan man ang maraming taon
O lumipas ang mahabang panahon,
Ikaw lang at walang iba
Sasabihin ko lang naman talaga
Gusto kita.
Jose Remillan Jan 2014
Sinubukan kong bihisan ng titik at tugma
Ang ilang mga bagay-bagay na iiwan ko
Sa'yo sa oras na pumailanlang na ang diwa
Ng aking mga tula. Ngunit gaya ng dati,

Unos na dumatal ang aking luha, linunod
Nito ang mga kataga, muling nabalot ng
Hiwaga ang bawat saknong  na dapat sana'y
Malaon nang yumabong sa iyong pang-unawa.

Gayun pa man, manatili kang manampalataya
Sa kahulugan ng kawalang kahulugan ng daigdig
Na ito. At nawa, sa pagpagpag mo sa tarangkahan ng
Kahapon, buong pagpupugay **** idambana

Ang paulit-ulit ng siklo at sigwa ng ating pag-ibig.
Para kay Khiwai.

University of the Philippines---Diliman
Quezon City, Philippines
January 28, 2014
071816 #3:18PM #RobPalawan

Muling mauutal ang puso
Buhat sa naantalang pagtatapat.
Ninais ko noong lisanin ang paghihintay
At magbakasakaling
Panahon na ng pag-ani ng pag-iibigan.

Ni minsan,
Hindi ka nagpadaig sa pana ni Kupido,
pagkat marahil may lamat kanyang gintong palaso.

Patuloy akong magbibilang ng bawat dahong nalalagas,
Aaninag sa araw na siyang minsang pumipiglas,
At sisenyas sa hanging hinahawi ang kawalan --
Kawalang hindi tunay,
Pagkat pag-ibig, aking buhay.

Ilalaan ko sa kalawakan
Ang talatang tila walang saysay,
Makikipagbalagtasan sa pagkitil
Ng mga linyang nahihimbing.

Ako'y saksi sa malawak at malalim
Na mahikang di naglalaho,
Sa eksperimentong walang kemikal
Bagkus puro't siyang natural,
Sa paglalambitin ng mga bombilyang
Hindi papupundi,
At mga tuldok na hindi katapusan.

Yayariin ko ang klima ng pusong hindi kalmado,
Bituin ng pagtatapat ay aangkinin,
Pagkat halaga nito'y
Wagas na pag-ibig.
Hindi ako susuko,
Tatagpiin nang kusa
Ang liham ng sagrado kong pag-irog.
(Pagkat naiisip na naman kita. Marahil baliw ang pag-ibig, pero nasa tamang pag-iisip ang katauhan. Patuloy kitang ipagdarasal, maghintay lang tayo.)
L S O Oct 2017
Ang salita ng hari ay apoy
na nagpapainit sa pugon
ng kawalang-katarungan,
nagpapakulo sa bituka
ng balikong lipunan

kung saan ang kampeon
ng disiplina
ay nagiging kampon
ng pagmamalabis,
at ang pagtakbo ng hustisya
ay nauungusan na
ng pagtakbo ng mga nasisiil.

At sa gitna ng kaguluhan,
sa gitna ng katahimikan
ng karamihan,
mas lumalakas ang loob
ng masasamang-loob,
at lalong lumalago
ang masasamang damo.

Sindilim na ng gabi
ang tanghaling tapat,
sa panganib na ngayo'y
wala nang pinipiling oras

at ang buhay na iyong
pinagkaingat-ingatan,
baka bukas sa kalsada'y
isang mantsang pula na lamang.
JOJO C PINCA Nov 2017
“The purpose of life is to live it, to taste experience to the utmost, to reach out eagerly and without fear for newer and richer experience.”
― Eleanor Roosevelt

May mga gabi na puno ng lumbay kung saan mapapait at puno ng lungkot ang mga ala-alang hatid nito. Madalas na hindi ka nito pinapatulog. May mga umaga naman na nagpapagunita sa mga dalita at mabibigat na salita. Minsan kahit sa init ng katanghalian ay nararamdaman mo ang matinding lamig – ang panlalamig na dulot ng takot, takot na harapin ang kawalang katiyakan ng bukas na darating.

Malaya kaba’ng talaga o baka naman nakatago lang ang iyong mga tanikala? Bumabangon sa umaga’t naghahanda para pumasok sa opisina na isa ring selda. Kumakain pero walang nalalasahan, tumatawa nga pero ang totoo ay nalulungkot, nabubuhay pero talo pa ang isang bangkay pagkat walang kabuhay-buhay. Nakikipagtalik ang katawan na hindi marunong tumangkilik.

Paano nga ba ang mabuhay nang wasto at hustong-husto? Yung puno ng pag-ibig at walang ligalig na sadyang matatag katulad sa isang kamalig. Nadidinig mo pa ba ang huni ng kuliglig sa ‘twing sasapit ang hapon? Ang buhay ng tao ay sadyang maligalig. Ang panaghoy ng mga walang kayang lumaban sa dagok ng malupit na kapalaran ay laging naririnig sa ‘twing kumakagat ang dilim.

Hindi lang minamasdan ang mga bulaklak, kailangan mo rin itong samyuin para mo mapahalagahan. Paano mo malalaman ang lalim ng dagat kung hindi mo ito sisisirin at ano’ng saysay ng taas ng bundok kung hindi mo ito aakyatin? Hindi sapat na sabihin na s’ya ay iyong iniibig, kailangan mo rin s’yang yakapin at halikan. Ganito mo dapat na ipagdiwang ang buhay.

Pero hindi ito magawa ng isang tulad mo na alipin ng takot at sama ng loob. Kailangan kumawala ka sa anino ng nakaraan at ‘wag mabuhay sa hinaharap. ‘Hwag kang makipagtalik sa multo ng nakaraan dahil hindi ka lalabasan, puro luha lang ang tiyak na papatak sa iyong mga mata. Maging makasaysayan at makabuluhan ito ang dapat na maging layunin. Kalimutan ang kabiguan at maging masigasig, yakapin sa’yong bisig ang ngayon. Hawiin ang lambong ng gabing tumatakip sa paningin sapagkat ito’y nakakabulag.
081721

Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag
Na dumarampi sa aking mga pilik-mata
Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit
At pag-agos nang marahan
Ng pawis na pilit kong ikinukubli
Sa bawat pagtiklop ng hapon.

Walang oras o segundong hayag
Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw
Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli.
Ni hindi ko magawang lumapit
Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin
Na para bang nais Nitong hingahang muli
Ang buo kong pagkatao.
Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso
Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang
Minsang kumatok at pinagbuksan.

Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang
Walang ibang hiling
Kundi sumapit ang takdang araw
Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo
Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan
Ng mga bulalakaw sa langit
At may iba’t ibang kapaliwanagan.

Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis
Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian
At sa pastulang aking minsang sinuklian
Ng Kanyang mga balak
At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon
At akin nang inaani nang may galak.

Dumudungaw sa lente ng aking mga mata
Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag.
At tunay ngang ang mga luha'y papawiin
At wala nang ibang maibibigkas pa kundi
Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari
Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap
Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman.

"Bubuksan Ko ang kalangitan,
Maging ang buong kalawakan,
Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo.
Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya
At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo.
Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob
At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik.
Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan
Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang
Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin.
Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag
Sa pagsapit ng itinakdang oras..
At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad
Sa landas kong laan para sa'yo.
Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian
Ay bukas para sa lahat,
At ang dugong dumanak
Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus
Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban.
Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong
Syang gagabay sa'yong mga pasya't
Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay
Na tanging pang-langit lamang.
Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo,
Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob..
At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko
Ang lahat ng aking mga anak
Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop
At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos.
Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
Louise Apr 30
Nalalayuan kaya ang mga ibon tuwing tinatanaw
ang malawak na hinagap ng kaparangan?
Nasisilaw pa rin kaya sila sa bukang liwayway
kahit mula pagkamulat ay iyon ang kinagisnan?
Nasasaktan pa rin kaya sila sa ganda ng paglubog ng araw
at ang angking kawalang pagkakatulad ng bawat isa?
Natatakot pa rin kaya sila sa halik ng dilim
kahit ang gabi ay nangangakong magdala ng lamikmik?
Kay rami ko pang nais itanong sa mga ibon,
kay bigat ng patong sa munti nilang mga pakpak.
Paano magtatanong ang isang hamak na bulaklak
sa kagitingan ng mataas at malayang agila?
Kay rami ko pang balak ibulong sa mga maya,
kung may pangarap man sila, ihahalik ko sa hiraya.
Ngunit anong magagawa ng isang payak na talulot
sa ilalim ng langit at sa ibabaw ng gumuguhong mundo?
Sa pagtatapos ng buwan ng panitikang pambansa...
First poem from El Nido series

ang pugad, the nest, el nido
🪺
JOJO C PINCA Nov 2017
“You live but once; you might as well be amusing.”
― Coco Chanel

Sabi sa kanta ni Freddie Aguilar “Habang May Buhay May Pag-Asang Matatanaw” subalit ang pag-asa ay hindi lang dapat na tinatanaw mas mainam kung ito’y ating kukunin at ilalagay sa ‘ting mga kamay. Ang pag-asa ay laging kumakaway kahit tayo ay nasa dilim. Tumawid man tayo sa magkabilang bangin o kahit na hampasin pa tayo ng malakas na hangin, hindi dapat mawala sa ating paningin ang pag-asa na nagniningning. Ganito natin dapat harapin ang buhay kahit ang hirap ay sapin-sapin. Minsan lang tayo mabubuhay at ang buhay ay parang isang tulay na pagkahaba-haba man ay may hangganan din. Subalit mahaba man ito o maiiksi marami tayong haharapin, mga bagay-bagay at mga pangyayari na hindi natin maiiwasan. Mga damdamin na kahit iwasan, pilit ka nitong hahatakin pabalik sa kung saan ang mga ala-ala ay masasakit. Wala kang kawala kailangan na harapin mo ang mga ito. May mga nagbabagang karanasan na hindi mo gugustuhin na balikan pero kailangan mo munang harapin bago mo ito malampasan. Hindi parehas ang buhay, oo, tama yan, gago lang ang naniniwala na Life is Fair. Subalit wala kang choice kailangan mo harapin ang kawalang katarungan nang buhay. Walang dapat na masayang na sandali sapagkat isang araw ang mundong ito’y ating lilisanin. Gawi’ng kaakit-akit at marikit ang buhay kahit masakit.
Isa akong hamak na kabataan na pinagkaitan ng mapaglarong mundong ito. Sa isang madilim na bodega ako matagal nang nananatili. Mabaho at walang pagkain, araw-araw ay tinitiis namin ang kalam ng aming sikmura.
      Mahigpit na ipinag-uutos sa amin na pulutin ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa loob ng tambakan na ito. Sinusunod namin ito ng maayoa ngunit tila ang pangakong binitiwan ng taong dumampot sa amin sa kalsada, na kami ay pag-aaralin, ay naglaho nang parang bula.
      Sa bawat sandali ng aking buhay, wala akong naging karamay kundi ang malaking salamin na nakabitin sa dingding ng malawak na silid na ito. Na at patuloy na nagsasabi sa akin ng pag-asa. Pag-asa na siyang matagal ko nang gustong makamtan.

      Sa tuwing titingin ako sa silid na aking kinalalagyan, halos mamatay na ako sa kawalang kalayaan na ito. Minsan pinipilit kong kumawala sa silid na ito kasama ng ibang kabataang inalipin na ng takot. Ngunit suntok at hagupit ng tubo ang aming natatamo sa tuwing nanaisin naming tumakas sa silid na ito. Hindi ko talaga lubos na maisip ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ko. Kung ito ba ay totoo o isang panaginip lamang.
      Tumingin ako sa salamin at isa lang ang sinasabi ng aking wangis, hanggang kailan ko pagmamasdan ang mukhag nahihirapan at punung-puno ng kalungkutan? Mabuti pa ang salamin na ito. Sa or as na siaikat ang araw, lagi niyang ipinadarama ang panibagong pag-asa.
jfb Jan 2017
mga inaasahan at
ang katotohanang
palaging iniiwasan
Patricia Balanga May 2017
Nagpalit ang mga numero sa aking relo
Bigla itong tumunog at nabahala ako
Labing-isang minuto makalipas ang alas onse na
Oras na para humiling na ika'y muling makita

Lumipas na ang apat na buwan
Mula nung aking sinimulan
Pagtigil at pagpikit ng mga mata
Nangangarap, humihiling na magkatotoo nga

Ikaw, oo ikaw, ang rason kung bakit
Isang minuto akong nakatingala sa langit
Hiling na makasama ka kahit ilang sandali
Makita ka lang ay kumukurba ang aking lahi

Dumating ang panahong ikinalulungkot ko
Kawalang pag-asa sa buhay ay naramdaman mo
Dahil doon nag-iba ang aking hinihiling
Sana'y maging masaya ka kahit ako'y wala sa 'yong piling

Bawat hiling ko ay laging tungkol sa'yo
Hindi na iisipin kung may lugar ako sa puso mo
Sana naman hindi maaaksaya
Hiniling ko sa langit na ika'y maging masaya na

Lumipas ang ilang taon, ikaw pa rin talaga
Ang tanging hinihiling na makasama
Muli akong pumikit at humiling
Pagkamulat ng mga mata'y ika'y dumating
Vincent Liberato Feb 2019
Nagtawag siya ng isang espiritista
at mananalangin
na magbuburda sa bawat hibla
ng kamalayan na patuloy na binuburda
ng sugat at sakit, habang patuloy na ginigising
ang matagal na pagkakahikbi at pagkakatulog sa mga hungkag
na mangangarap.

Dali't daling sumulat ng dagli,
sa bawat pagtagaktak ng mga luhang
umaagos sa sigaw ng mga birhen at santo
na siyang nananalangin sa ikalilinis
ng tahanan laban sa mga naghuhudas
na diyablo, na itinataya ang gabi
para mag-anyong tao sa kahit sino.

Bago sumapit ang gabi.
Sa takipsilim, limang minuto,
bago paparating ang isang duyog
na magwawakas sa hindi maaaring wakasan,
kagaya ng pagtalikod at pagpikit,
na hindi maaaring maisara ng mga mata.

Magpapakarahas sa pagsigaw
at mananabla ng labing-anim na milyong mananampalataya,
ang isang estadista na kung yumapak ay walang-puknat
na magliliyab ang sahig, kung saan nakalibing
ang hindi mabilang ng mga daliri, pagkaraan ng walang
nagdaan sa pagkalimot sa kanila.

Sa gilid-gilid ng eskinita,
matatagpuan ang mga kawalang-malay
na pugot na ulo na hiniling ng mga mananampalataya,
sa isang dyini at ipinagkaloob sa kanila ito, ipinagkaloob, ngayon ay tumatanggi kung kailan naparirito ang hiling.

Ngayon ay malilinis na ang pinakamaruming
hindi nasasaksihan ng mga mata sa tahanan, pagkatapos
ipanglagas ang kaluluwa.

Sa huli, walang bumabalagkas ng daan, na sumasalamin,
pagkatapos manalamin. Sa kabila ng napakaraming salamin.
Levin Antukin May 2020
"MA, NASA'N Y'ONG MASK?".
nagmamadali na 'kong lumabas.
may bibilhin lang kasi ako sa 7-11.
ba't pa kailangan ng mask?
pati y'ong ano-
ano'ng tawag doon?
AH quarantine pass.

bago pa lumabas ng bahay,
nasermonan ang atat na mokong.
kapiranggot na mga salita ang nag-udyok
upang hindi na hawakan pa ang pinto.

"mag-ingat ka sa sakit pero
mas mag-ingat ka sa mga sundalo
na nakatanod sa checkpoint palabas."

isang taon na ang nakalipas.
'di na natapos ang pandemya.
para pagsabihan ako sa edad kong 'to,
tanggap ko na.
hindi na 'ko takot sa sakit.
ang hindi katanggap-tanggap ay ang maharas
at makulong sa kawalang katarungan.

kung amoy kalawang ang dugo
at 'di sila takot mabahiran,
kalawangin sana yaong mga kamay na bakal
marqz Oct 2017
Tila –  simbolo ng kawalang kasiguraduhan
Tila bagyo ng pangamba’t agam-agam
Tila di na sapat
Pero tila 'di man matanaw sikat ng araw
Laging tatandaan na ang tila
Sa kabilang banda’y paghupa.
Pagtila – sa gitna ng iyak ng langit
Tila na puputol sa daluyong ng unos.

Kaya kung tila nangangamba
Asahang titila rin,
At darating pangibagong umaga
Mr. Politician, mukha’y may ningning,
Ngunit sa bulsa mo, dun naglalangoy ang salaping galing.
Salitang matamis, parang pulot na lason,
Habang bayan ay lugmok sa sariling imburnal na ambon.

Proyekto’y larawan, kontrata’y usok,
Kalsada’y bitak, tulay ay butas, pera’y nalusaw na apoy at usok.
Ikaw ang arkitekto ng pangakong hungkag,
Na itinayo sa buhangin ng kasinungalingang walang sagad.

Mga mata ng tao, nauuhaw sa hustisya,
Ngunit ang kamay mo’y marumi sa tinta ng kasakiman at ligaya.
Habang ang ilog umaapaw ng baha,
Ang yaman mo nama’y dumadaloy parang dugo sa sugatang lupa.

Mr. Politician, hari ng ilusyon,
Ikaw ang bagyong walang ulan, kundi alon ng kurapsyon.
Sa dulo ng lahat, ilaw ay mawawala,
At sa sariling anino mo, ikaw rin ang lalangoy sa kawalang-awa.
English:

You know what the most painful slap is? Not the slap of a hand, quick and sharp, the kind that leaves a mark you can wash off. No… the real slap is reality itself. Cold. Unforgiving. Merciless. The kind that hits when you’re standing tall, thinking you’re invincible, and suddenly the world yanks the rug out from under you.

I finally realized just how cruel life can be when you have no money. Suddenly, everywhere you go, everything you touch, every single step you take, every decision you make… it has a price. Every dream you nurture, every plan you hatch… all of it comes with a tag: “paid in cash or not at all.” And you realize… you don’t have it. Not today, not tomorrow, not maybe even ever.

It’s a slap that leaves no bruise on your skin, but one that bruises your soul. It hits in ways you never imagined. You feel it in your chest, in your gut, in the hollowness of your pockets and the heaviness in your hands. Talent alone doesn’t matter. Effort alone doesn’t matter. Desire alone doesn’t matter. You can be brilliant, hardworking, relentless—but without money, the world doesn’t even see you.

And yet… maybe the cruelest part isn’t just for you. Maybe the hardest truth is that there are so many who live like this every day, who wake up hoping, who try, who fight—and still the world turns its back on them. You look at them and feel that shared ache, that collective bruise on the soul. You realize you’re not alone in this, and yet… that doesn’t make it hurt any less.

The truth stares at you from every corner. The café you wanted to sit in, the bus you need to ride, the dreams you want to chase… all of it demands what you don’t have. And suddenly, the illusion of freedom, the idea that life will reward the good and the hardworking… it shatters. You feel small. Invisible. Replaceable. And in that moment, your heart reaches out silently to everyone else who’s been knocked down the same way.

And it hurts. Oh, it hurts like nothing else. Because as you grow up, as you learn, as you fight, you realize that life isn’t fair. That life doesn’t bend for anyone. That even the brightest soul, the fiercest heart, the most daring spirit… if it’s not backed by money, it’s treated like it’s worthless.

But maybe… maybe this is where courage is born. Maybe this is where survival is forged. You learn to fight with what little you have. You learn to be clever when the world tries to crush you. You learn to stockpile knowledge, to sharpen your instincts, to build strength from scraps. And maybe, just maybe, in this shared struggle, you find empathy—for yourself, for others, for anyone who’s ever felt invisible, unheard, unseen.

Because one day… one day, even if reality keeps slapping you down, even if the world seems determined to keep you small, you will rise. And in rising, you carry with you the memory of those bruises—not as shame, not as weakness—but as proof that you survived. You will rise and take what you’re owed—even if it’s a place the world tried to deny you.

Life is brutal. Life is unfair. Life is relentless. But in its cruelty, it teaches you to endure. In its coldness, it teaches you to become sharper, stronger, harder. And maybe… maybe one day, that slap that once broke you will be the very thing that allows you to extend a hand to someone else, the way someone once needed to reach for you.

Because empathy doesn’t soften reality—it strengthens you. And it reminds you that no one has to face it alone.

Tagalog version (mas dama mo trust me):

Alam mo ba kung ano ang pinaka-masakit na sampal? Hindi yung sampal ng kamay—yung mabilis at matalim na minsang nag-iiwan ng marka na kusang nawawala. Hindi… yung tunay na sampal ay yung hatid ng realidad. Malamig. Walang awa. Matigas. Yung biglang hihila sa’yo mula sa pedestal mo, at ipapakita sa’yo na ang mundo… hindi ito nag-aalaga sa mga pangarap mo, sa talento mo, sa sipag mo.

Na-realize ko lang kung gaano kasakit ang buhay kapag wala kang pera. Bigla kang maiiwan sa gitna ng lahat, at bawat hakbang mo, bawat desisyon mo, bawat pangarap na pinanghahawakan mo… lahat may presyo. Kahit saan ka tumingin, kahit anong subukan **** gawin—lahat may paalala: “Pera lang ang sagot.”

At masasampal ka. Hindi sa balat, kundi sa puso, sa tiyan, sa kaluluwa. Ang galing mo, ang sipag mo, ang ambisyon mo… hindi mahalaga kung wala kang pera. Parang mundo’y hindi ka nakikita, parang wala kang karapatan.

At siguro… pinakamalupit sa lahat, hindi lang para sa’yo ito. Maraming tao ang ganito ang dinaranas bawat araw. Gumigising, nagsusumikap, nangangarap… pero tinitiis ng mundo na sila’y hindi pansinin. Ramdam mo ang sama ng loob nila, ramdam mo ang sakit… at kahit ramdam mo na hindi ka nag-iisa, hindi pa rin nababawasan ang kirot.

Lahat ng paligid mo, kahit simpleng kape, kahit bus na sasakyan mo, kahit mga pangarap na pinapangarap mo—lahat may presyo. At bigla, naiinip ka sa ilusyon ng kalayaan, sa paniniwala na ang sipag at kabutihan ay gagantimpalaan. Parang napakaliit mo. Parang wala ka. Parang napapalitan. At sa sandaling iyon, naiisip mo rin ang lahat ng tao na natapakan sa parehong paraan.

Masakit. Sobrang sakit. Kasi habang lumalaki ka, natututo ka, nakikipaglaban ka… malalaman mo na hindi patas ang buhay. Hindi ito yumuyuko para sa kahit sino. Kahit gaano ka-katalino, kahit gaano ka-tapang, kahit gaano ka-determinado… kung wala kang pera, parang wala kang halaga.

Pero siguro… dito nagsisimula ang tapang. Dito rin natututo kang makipaglaban sa kaunting mayroon ka. Natututo kang maging matalino kahit sinusubok ka ng mundo. Natututo kang mag-ipon ng lakas, ng kaalaman, ng karanasan. At siguro, sa parehong hirap na ito, natututo ka rin ng empatiya—para sa sarili mo, para sa iba, para sa sinumang nararamdaman ang invisibility at kawalang-pansin.

Dahil darating din ang araw… darating ang araw na kahit patuloy kang binabagsak ng realidad, kahit ang mundo’y tila ayaw kang makita, babangon ka. At sa pagbangon mo, dala mo ang alaala ng mga sugat—hindi bilang kahinaan, kundi bilang patunay na nakaligtas ka. Babangon ka at kukunin ang karapatan mo—kahit pilit itong itinanggi sa’yo ng mundo.

Brutal ang buhay. Hindi patas. Walang awa. Pero sa kabagsikan nito, natututo kang tiisin. Sa lamig nito, natututo kang maging matatag. At siguro… darating ang araw na yung sampal na minsan ay bumagsak sa’yo, ang siyang magtuturo sa’yo na mag-abot ng kamay sa iba, kagaya ng mga taong minsang dapat umabot sa’yo.

Dahil ang empatiya… hindi nagpapalambot ng realidad. Pinapalakas ka nito. At pinapaalala sa’yo na hindi kailangang harapin ito nang mag-isa.

— The End —