Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Feb 2019
Ang iniwan,
niloko ng liyag
kimkim ang galit sa kaibuturan
ay di madaling mapa-ibig

Ang masaya na pakisamahan
nakalulugod na kaibigan
ay di makapagsalita
sa harap ng hirang

Sa hindi natuto pang umibig
ay parang sanggol na
madaling umiyak,
kailangan akayin

Pagkat ito'y hindi maipipilit
tulad ng pag-awit ng mga pipit

Dalawampung araw na singkad
sa yaong buwan ay ang kaarawan
na di sa taong bisiesto

Kapag may dugong malabnaw at malinaw
ay karakaraka lumigwak sa bukang sugat

Oras na ipagdiwang
ng mga buo at biyak
Dalawang kasarian ay kapupunan sa bawat isa
Lynne Pingoy Sep 2015
ALDUB, isang loveteam na hinahangaan ng sambayanan
Lalaki, babae, o kung anumang kasarian man yan.
Siguradong kikiligin ka sa tambalan ng banyan.
Syempre ALDUB yan, sigaw ng taongbayan.

Dalawang taong may pinag-aralan
Naging isa sa EAT BULAGA; programa ng bayan.
Walang halong kaartehan o kaplastikan ang pagtitinginan
Inyo itong makikita sa kanilang mga tinginan.

Si ALDEN na handang tumupad sa pangako,
At si MAINE na handang maghintay sa mangingibig nito.
Ang pag-iibigan nila minsan magulo,
Pero madalas nagiging wasto.

Mga mata nila'y nagtugma na,
Ngunit kamay nila'y hindi pa naging isa.
PLYWOOD, ALARM CLOCK, LONG TALBE Nidora, humarang sa kanila,
Paglalapit nila'y naging HOPIA pa.

Kailan kaya magiging isa ang mga ito?
Kung ang layo nila'y magkabilang dulo ng mundo.
Ang mga tao'y nagtatanong,
Kailan nga ba ang tamang panahon?

Ito'y huling hirit na ng mga tao.
Lola Nidora tuluyang buksan ang iyong puso.
Paglapitin landas ng dalawang ito.
Upang ang mga tao'y kiligin mula BATANES hanggang JOLO.
Rhon Epino Apr 2018
Pag ibig
Kanya-kanyang depinisyon
Kanya-kanyang eksplinasyon
Isang uri ng salamangka
Na makakapagpapabago ng lahat
Makapagbibigay ng dapat at sapat
Pero hindi lahat ng dapat ay kailangang maging sapat
Dahil kailanman ay hindi naging sapat ang lahat
Maghahangad ng iba
Maghahanap ng ibang kasama
Pero gayunpaman ay wag kalilimutan
Na ang pag ibig ay pag ibig parin
Kahit ito pa ay paiba-ibahin
O kaya nama’y balibaliktarin
Bawasan mo man o buuin
Pag ibig parin

Pag ibig
Ito ang tuwa sa isang libo **** luha
Isang porsyento sa ilang daang libo
Ito ang kahulugan sa bawat salita ng diksyonaryo
Ito ang nagbibigay pag-asa sa bawat gising mo
Ito ang magtuturo sayo
Na ang sakit at pait ay hindi bagay na dapat **** katakutan
Hindi bagay na dapat **** sukuan
O kaya nama’y dapat **** kalimutan
Dahil ang pag ibig ay ang lakas sa bawat paghina
Ang kagustuhang tumayo sa bawat pagsuko
Ang pagsulong sa bawat pag urong
Ang simula sa bawat katapusan
At ang katapusan sa bawat simula
Dahil ang katapusan ay hindi masama
Ito ang simbolo ng tagumpay
Ang simula ng simula

Pag ibig
Ang magbibigay ng sagot sa bawat tanong
Sa ano, bakit at paano
Ang pupuno sa bawat kakulangan mo
Pupunan ang pangangailangan mo
Ito ang tulay sa bawat pagitan
Malakas, matibay, mapagkakatiwalaan
Sapagkat ang pusong puno ng pag ibig
Ay malakas, matibay at mapagkakatiwalaan
Ito ang magkumukunikta sa dalawang magkaibang mundo
Kahit na sino at kahit na ano
Kahit na ano pa ang kasarian mo
O kahit na ano pang kinabibilangan mo
Sasagipin ka nito sa pagkalunod
Sa pag iisa
Sa mga panahong akala mo’y wala ka nang kasama
O kaya nama’y kinalimutan ka na
Yayakapin ka
At nang hindi manlamig at mamanhid ang iyong kaluluwa

Pag ibig
Di ka nito huhusgahan
Tatanggapin ka kahit ano ka man
Dahil kailanman ay wala itong batayan
Kahit ano pa man ang iyong pinaniniwalaan
Dahil pag ibig lang ang may konsepto ng pagtanggap
Pag unawa at walang halong pagpapanggap
Ito ay puro at dalisay
Hindi pinapahina ng panahon
At sa halip ay lalo pang pinapatibay
Ito ay mas malakas pa sa bawat pagsubok
Mas mataas pa sa pinakamatarik na bundok

Pag ibig
Ito ang produkto ng konseptong positibo
ng pluma at panulat
Ng tuno at liriko
Ng imahinasyon
Ng respeto at pagpapahalaga
Umibig at ibigin
Sabihin kung ano ang laman ng damdamin

Sayo, ano ang pag ibig?
Sana lahat may Ina, Oo totoo iyon
Sana buhay ka para makita mo aking emosyon
Sa totoo lang ang hirap mawalan ng ina
Mabigat sa pakiramdam, mahapdi sa mata
Malungkot sa isipan at sa Puso ko pa
Pakiramdam ko'y nag-iba kahit lalaki pa
Diba? Oo, alam mo iyan sa sarili niyo
Kahit ako alam ko dahil naranasan ko
Edad pitong taon ako 'nung mawala ka
Sa aking feeling, sa aking kamay
Sa aking tabi hanggang sa dalawa kong mata
Ang bata ko pa para ako'y mawalay

Isip ko 'di pa malawak sa mga ibang bagay
Kaya lagi tayo nagtatanong sa ating nanay
Alam ko lang noon kaya sa sahig ka nakahiga
Ikaw ay natutulog at nagpapahinga
Ngunit ang totoo ay hindi na humihinga
'Di na nakangiti at 'di na nakabukas mga mata
Bakit ganon nalang ang aking nasaksihan?
Bigla nalang nagpaalam na 'di tinawag aking pangalan
Nakatayo ako sa harap mo habang mukha'y pinagmamasdan
Huling panahon na masisilayan kita ng personalan
Aking tanong ay bakit, Bakit kailangan mangyari ito?
Ako'y sa lupa, ikaw sa langit, Magkikita pa ba tayo?

Katawan mo'y wala na sa ibabaw ng Mundo
Ngunit mukha mo'y 'di mabubura sa isipan ko
Kahit 'di mo nasubaybayan nang personal aking paglaki
Ngayong binata na pinili ko pa rin maging mabuti
Masamang bisyo sa paligid sinubukan ko iyong iba
Mariajuana, sigarilyo pero kinontrol ko sarili ko, 'Ma
Alam ko sarili ang mga iyon ay mali at masama
Alam kong ayaw mo ang Buhay ko'y mapariwara
Kaya iniwasan ko mga masamang bisyo nang lubusan
Ayaw kong magsisisi sa huli dahil 'di mo ako ginabayan
Ayaw kong mag-alala ka dahil sa masamang kalagayan
Ayaw kong lumuha ka diyan dahil 'di ko iyan mapupunasan

Para naman sakin iyon, diba?
Kasi nabubuhay pa ako kahit wala ka na
Pipiliin ko maging mabuti at maging matatag
Para ang puso't isip mo maging panatag
Habang lumalawak na ang aking isipan
Unti-unti kong nakilala aking pagkatao at kasarian
Kung sabihin ko sayo, ako'y isang bisexual,
Tanggap mo ba ako at ako'y iyo pa rin mahal?
Sana magpakita ka sa amin nang personal
Miss ko na ang yakap mo at pagmamahal
Ang katulad **** angel higit pa sa maykapal
Miss na miss na miss kita nang kaytagal

— The End —