Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
theivanger Jun 2019
Hindi naman ako galit
Sayo'y hindi naman inis
Katapatan ganon parin
Kaibiga'y maramdamin

Patawad unang sambit
Nitong kaibigan ay hibik
Paumanhin nawa'y kamtin
Siyang aking panalangin

Sama ng loob ang dulot
Kaibigang aking nilimot
Ngunit hindi nayayamot
Mawala ka'y aking takot

Tawanan laging naaalala
Biruan nating masasaya
Payo mo'y pumapayapa
Ng pusong lagi lumuluha

Sanay 'wag akong limutin
Kaibigan nagtatampo din
Gaya mo rin, may suliranin
Araw-araw aking pasanin.

Patawad kung nahirapan
na ako ay pakisamahan
Patawad kung di masiyahan
na ako ay pakitunguhan

Sanay huwag magsawa
Laging may laan na unawa
Kahit minsan nagagawa
Sayo'y hindi na nakatutuwa

Mga salitang akin nabitawan
Pawang totoong kahulugan
Subalit kaaway pinipigilan
Ang pagbabagong inaasam

Ngunit iyong laging tandaan
Oh aking mahal na kaibigan
Ikaw siyang kinasangkapan
Upang tungkuli'y masumpungan

Salamat sa Dios sa tulad mo
Sa mabubuting aral at payo
Ako'y walang kabuluhang tao
Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
Mahirap talaga akong pakitunghan, sana huwag **** bitawan, hiling ko sa Dios akoy alalayan, patawad sa aking pagkukulang at sa sama ng loob na naidulot. Kung sakaling mabasa mo ang tula, sana wag mayamot. Salamat sa Dios sa pagkasangkapan sa pagbibigay ng inspiration at pagasa na sa kabila ng mga pagkukulang at kasalanang nagawa ay maari pang magpatuloy sa buhay at malakaran ang tungkuling pinapangarap. Salamat sa Dios sayo mahal at tapat na kaibigan.
Randell Quitain Sep 2018
sa ilalim ng mga dumaraang ulap,
kasabay ng mga walang kabuluhang numero,
ay hindi maglalahong panatilihin,
ang ningning na ito para sa'yo,
tulad ng liwanag ng buwan;
minsan ay masela't matamis.
Tagalog version:
ang multo ko
ay
hindi isang tao
kundi, ito ay
isang alala ng pangarap kong
hindi natupad.
mga oportunidad na dumaan lang,
mga panahon na lumipas
at mga oras na nasayang
at napunta sa wala
mga pera na naigastos
sa walang kabuluhang bagay.
multo kung makapanakot, wagas
dito mo masusukat ang totoo
na minsan hindi multo ng kaluluwa
ang makakapag-nginig sa'yo
kundi multo ng kahapon.

English version:
My ghost is not a person, but a memory— a dream that never came true.
Opportunities that passed by; time that slipped away, hours wasted, spent on nothingness, money lost on meaningless things.
Ghosts can haunt with cruelty, and here, you see the truth— sometimes, it is not the spirit of the dead that shakes you to the core, but the ghost of yesterday.

— The End —