Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
astrid Jun 2018
salamat,
sa pagpiling laruin ang aking mga daliri
na tila hindi alintana ang pasmang taglay
na kung lumuwag man ang kapit ko,
ay mas hihigpit ang hawak mo
kung dumulas man ang palad ko,
ay hahatakin mo ako pabalik
patungo sa piling mo
upang hindi tayo maligaw
sa ating mga sariling halik.

salamat,
dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan
pati ang tila pagyakap ng mga unan
sa iyong bawat pagtahan
ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan
at pagmamahalan,
na kung susuriin ay pilit na lumalaban
kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan.

salamat,
sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga"
kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan
kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan.
ilang beses ko bang pagdududahan
ang boses **** tila kandungan
hindi ko man hiningi
ay hinandog ng kalangitan
sa likod ng mga telepono'y nagngingitian
ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan
dahil puno ito ng kalungkutan.

salamat,
sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi
na bago pa man bigkasin
ay batid ang mariing katotohanan
na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan.
kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo
na bitiwan mo ang kamay ko
ay nasasakal na ang mga daliri
at humihina ang aking pulso.

salamat,
dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan
ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit
at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit.
ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi
nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig
pilit man lakasan ang aking tinig
ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid.

salamat,
kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso
ay mahigpit ang iyong kapit
na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo
pati ang isip kong tila gumuguho
dahil hindi ka lumalayo.
patuloy man ang aking pag-ayos
at nagtamo pa ng maraming galos;
ay patuloy din ang iyong pagsira
dahil pareho tayong lumuluha.
j.s.
Elizabeth Nov 2015
marami- rami akong di gusto sa aking sarili. Mga mata ko'y mahapdi, nagmamasid kahit na ba'y nakapupuwing

dumarami ang mga araw,
dumarami ang mga gabi-
dumidilim ang mga panaginip,
mga engkanto'y nananabik,
natututunang sa mundong ito,
marahil ako'y hindi sabik.

mga boses ng tao ay humihina,
palayo nang palayo-
mga mukha ng tao,
palabo nang palabo.
nararamdaman kong sumisikip ang aking isipan, paunti ng paunti ang mg nilalang na nasisilayan.

may mga araw na nais kong mawala na tila hangin,malimit **** maisip, ngunit dama mo ang hagip.

may mga araw na nais kong tumakbo na tila oras, madalas kung habulin, pero ni minsa'y hindi makaiiwas.

sana ay hindi nalang nabuo ang salitang sikreto,baka sakaling ako'y matuwa sa aking anino.

mga alaalang pilit na humihiyaw, matagal nang nagtago-
panay ang katok sa nakabukas kong kuwarto.

*Tao po! Tao po!
kingjay Jan 2019
Paghinga'y humihina at
ang pagngiti ay may kasama ng luha
Ang pagsinta'y kinaiinggitan ng langit
bagaman hindi mapalad

Pagdurugo'y ayaw na tumigil
Ang kapanglawan sa loob ay naghari
Nanirahan sa anino ng bukid - sa dilim
Nag-alala sa di humuhugpong tulay

Sinlamig ng nyebe sa taglamig
Sa kaginawan nagiging yelo ang tubig
At ang temperatura'y bumababa pa sa sero
Gaya ng pagpanaog ng bahaghari sa magkabilang dulo

Tulad ng malinaw na batis
at ng talon na masiyahin
nag-uugnay sa damdamin - pag-ibig na hindi kailanman naangkin at
naalagaan para bumalong

Nang ito'y hindi na maitiklop
upang maisilid sa mumunting lalagyan,
humihibik sa tuwing gabi
Ang inuusal ay mahal na lakambini
limang sintido'y binihag
Random Guy Jan 2020
ang hirap mamatayan
ng sigla mula sa dating kinahiligan
pagkanta, pagsusulat
at iba pa
at mas mahirap
bumuhay ng namamatay na sigla
dahil ang oras ay limitado
kahati ang responsibilidad sa mundo
at ang dating nagniningas ay humihina na
lalong hindi naging mas madali
gumawa ng orihinal
na bumabase sa gusto ng lipunan
o tumatalima sa kasalukuyan
o bumabagay sa kapaligiran
nawa sa mga taong nakukulangan ng apoy
ay bumuhos ang mala-gasolinang inspirasyon
at matapos na ang mga kanta
mga kwento, liriko
pagpinta
at mga blangkong espasyo
na nag-aasam ng yakap
mula sa mga letra, kulay, linya
at kung ano pa mang ekspresyon na galing sayo
dahil ang matapos ang mga ito
ay hindi mo inutang sa mga taong mapangmata
nandiskrimina at nanghusga
ito'y para mabuo ka
muli
www.soundcloud.com/wildepick
www.wattpad.com/user/wildepick
Kat Gonzales Jan 2019
Ulan sa magdamagan, ako’y nakahimlay

Sinusuklay ng hangin ang lumulutang na kaluluwa

Itim na kumot ng kalawakan ay naghahari

Sa mga mata ko ito’y unti-unting lumalapit

Patuloy na inaanod ng pulang ilog

Habang sumasabay sa dagundong ng dram

Lumalakas ito...Humihina ito...

Silencio...

Dumaan ang isang segundo,

nakita ko kung bakit ako nasa mundo.
solanamalaya Mar 10
Mata ay "dumilat"
Saklap sa "dumi" ay namulat
Hawak ang kwaderno't panulat
Maduming sistemang di na nakakagulat

Mahirap o mayaman, anong pinagkaiba?
Parehas na tao estado lang ang naiba
Pero sabi ng iba pantay lamang ang dalawa
Ngunit pag may kaya ang nag kasala wala nang kaso basta may kwarta

Masyadong inabuso, sinolo ang pwesto
Kapangyarihang hindi nagagamit ng tuwid at diretso
Pag tinutukan mo ng kamera magbabago't magmamano
Pag salat kahit wala pang warrant agad na arestado

Mabagal at di balanse na hustisya
Bumabase nalang sa kung sinong malaki ang kita
Ano na pambihira, utak lalo humihina
Tara na't halika, isambit mo ang mga di tamang nakikita
06/25/22
Maligayang kaarawan "Happy Birthday to me"
Ihanda na ang pulutan, baso, yelo at empe
Imbitado ang lahat pati ang mga LGBT
Kahit walang pang regalo pwedi makipagparty
Pero bago ang inuman ay ating pagsaluhan
Ang masarap na pagkain dito sa hapag-kainan
Mayroon cake, palabok at macaroni salad
Lumpia at tinolang manok na may tanglad
Dahil minsan lang 'to sa isang taon dumaan
Kaya sulitin na ang handaan at kasiyahan
Habang sinasabayan ng birthday song sa videoke
Akin nang paputukin wine na nasa bote
Kinabukasan maraming platong huhugasan
Pero ang alak 'wag na nating ipagpaliban
Kung sa babae, disiotso ang debuhan
Pagsapit ng kinse, ako na ay twenty one

Ako'y bente uno na ang bilis ng panahon
Parang kailan lang ano? Dumedede sa tsupon
Gatas sa kahon 'pag madaling araw tinitimpla
At ang iniinom na gatas ay mula pa sa ina
Ako'y nag evolve sa itsura, boses at katawan
Ang manuod ng bold ay hindi maiiwasan
Uminom ng alak, magpausok ng sigarilyo,
Kumain, koljak, magmahal at magtrabaho
'Di na natin magagawa 'pag sa mundo tayo'y nawala
Kaya gawin ang nararapat habang may buhay pa
Kahit ang oras at buhay sa mundong ito'y mahalaga
'Di natin alam kung kailan tayo mawawala
Ako ang bida't kontrabida at tema sa aking kaarawan
At wala ng iba kaya diretso lang ang kantahan
'Di na mahalaga kung gaano kagara ang handaan
Mahalaga naidaos ng maayos at 'di nakalimutan

Sa paglipas ng panahon kasabay ng pagtanda
Oras at lakas na naipon unti-unting humihina
Ang dating mga kababata isa-isa nang nawawala
Pagbabagong nagaganap dapat laging handa
'Di maikakaila isa sa mga the best na okasyon
Ipagdiriwang ang kaarawan kahit saanman lokasyon
Tawid dagat ang pagitan kahit walang imbitasyon
Matikman lang ang pagkain iyon ang intensyon
'Di pa tapos ang misyon natira iyong balutin
Kasama ang kutsara sa loob ng pagkain
Lahat uuwing busog mula sa biyayang hinain
Mahalaga nakatikim kahit walang regalo sa akin
Madagdagan ng edad ay okay lang sa akin
Dahil hindi ko naman kaya itong harangin
Mabuti pa rin sa kapwa aking hangarin
Para sa buhay lagi tayong pagpalain

— The End —