Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kalawakan Sep 2020
Lahat tayo’y lubak na daan ang tinatahak,
Pagtupad ng pangarap sa buhay ang binabalak.
Maraming sakripisyo ang kailangan,
Upang maging maayos ang kinabukasan.

Karamihan sa atin ay sa Diyos kumakapit,
Dalanging bagong umaga’y sumapit,
Mabawasan ang mga nararamdamang sakit,
Kaya liwanag ng pag-asa ang nais makamit.

Pagdarasal ng mataimtim,
Ang sandata sa daang madilim.
Upang ang liwanag ay ika’y sikatan,
Maging gabay sa landas na walang kasiguraduhan.

Sa Diyos ay nagpapasalamat,
Para sa gabay na walang humpay.
Hiling na magkaroon ng lakas,
Sa pagharap sa  mga pagsubok sa buhay.
Sa paglubog ng araw at pagsikat ng buwan.
Sa ihip ng hangin at patak ng ulan.
Sa pagdaan ng taon.
At sa bawat paglagas ng dahon.
Pangalan mo ang baon.
Sa pag-agos ng luha at sa paghikbi,
Sa pagsibol ng mangilan-ngilang ngiti.
Pauli-ulit na tatanawin,
Mga ala-ala mo na kumikinang kasama ng mga bituin.
Ikaw ang hiling.
Ikaw ang tinatangi.
Ikaw ang minimithi.
Ikaw ang sinta.
Ikaw ang payapa.
Ikaw ang pag-ibig.
Ikaw ang dalanging, nawa'y marinig.
Ngayon at sa paglipas ng panahon.
Pangalan mo ang sambit ng puso sa bawat alon.
Hahanap-hanapin ka sa kalawakan.

— The End —