Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
  Sep 2017 Taltoy
KI
Sisimulan mo na naman bang mangalimot?
Bakit ka nga ba natatakot?
Hindi mo masagot?
Hahayaan mo bang dito nalang, at i hinto na ang pag-ikot?

Hoy duwag...
Huminto ka na sa pakikinig sa "wag"
Pakinggan na lang ang bulong na tumatawag
Taltoy Sep 2017
Ilang kilometro na ang tinahak,
Kay layo na ng inabot ng aking mga yapak,
Patungo sa pook na di ko alam saan,
Parang hilong sinusunod ang nararamdaman.

Hindi ko na maalaala,
Ang lahat ng mga pangyayari,
Binaon nang walang pag-aalala,
Sa nakaraang tulad ng gabi.

Ako nga ba'y nasaan na?
Ako ba'y babalik pa?
Nasa gitna ng kawalan,
Kumakapit sa nararamdaman.
Taltoy Sep 2017
Kay raming naalala,
Sa pagpatak ng madaling araw,
Nadarama'y pangungulila,
Sa mga panahong dumalaw.

Karamihan ay nagsasabing,
Ang bawat bagay sa mundo ay hiram,
Kaya ang bawat panahon ay bigyan ng natatanging turing,
Dahil baka ito'y lumipas nang di ka nakapagpaalam.

Gusto ko ulit balikan,
Gusto ko ulit maranasan,
Ngunit di na maaari,
Katotohana'y di na mababali.
Ako'y nangungulila sa mga panahong masaya kahit wala akong maintindihan.
Taltoy Aug 2017
Sino nga bang bumitaw?
Sino nga bang kumakapit pa?
Sila ba'y magkahawak pa?
Magkahawak sa isa't isa.

Ang pagtingin nila'y magkaiba,
Magkaiba ang bawat isa,
Bumitaw kasi siya raw ay salawahan,
Kumapit sya dahil sa katotohanan.

Ang bawat tauhan ay may sariling storya,
May sariling kwento kung saan sya ang bida,
Sa kanya umiikot ang mundo,
Para bang ang mundo ang kanyang tagasuyo.


Dalawang storyang nagtagpo,
Dalawang storyang sa isa't isa nabunggo,
Nagkatitigan at nagkasalubungan,
Nagkalapit ng di katagalan.

Ngunit sino nga ba sa dalawa?
Ano nga bang ginawa ng bawat isa?
Iyan ang di ko pa alam ng lubos,
Kahit ako ang isa sa may tangan sa isa sa mga storyang nag krus.
Dahil di naman natin alam ang lahat, pati ang ating sariling alamat.
Taltoy Aug 2017
Kay tagal mula nung kahulihulihan,
Kahulihulihang panahong ako'y nagsulat,
Nagsulat tungkol sa nararamdaman,
Nararamdamang di naisiwalat.

Ikinimkim sa kalooblooban,
Itong munting nararamdaman,
Di na muling isinulat,
Sa papel na minsa'y di sapat.
Another random poem
Taltoy Aug 2017
Hanggang sulyap nalang,
Ang aking kayang gawin,
Hanggang dito nalang,
Ngunit patuloy na titingin.

Idinalangin ko nalang,
Na sana mata ko'y may puso din,
Dahil kahit sa tingin man lang,
Maipaabot ko itong damdamin.

Ako'y walang pinagkaiba kay Fidel,
Hanggang sa tula lang ang kayang gawin,
Sa mga balintataw, ika'y isang anghel,
Anghel na nilalaman ng mga dalangin.
Random poem
Taltoy Aug 2017
Alas dos na ng umaga,
Ako'y gising na gising pa,
Nag-iisip ng mga bagay,
Mga bagay na bumuo sa'king buhay.

Nasagi sa isipan ko yung mga alaala,
lahat, malungkot man o masaya,
Nag mistulang halo-halo na.
Kay rami ng sahog, yung iba di mo na kakainin pa.

Sa dami ba naman ng akyat baba at atras abante ng buhay ko,
Malamang nagkandaleche-leche 'to,
Alangan naman lahat naka super glue?
Ano yan? para di na matanggal kahit na bumagyo?

Anu-ano nga bang nangyari nitong mga nakaraang bwan?
Bakit parang nawala ako sa aking isipan,
Ano nga ba talaga ang tunay na dahilan?
Nitong isang aksidenteng aking kinasangkutan.

Isang sahog ang di ko kinaya,
Sa halo-halong aking kaharap sa mesa,
Salitang sa ibang dayalekto nagmula,
Nagsimula sa 'g' at nagtapos sa 'a'.

Limang letra, isang salita,
"gugma", ang isa sa sahog na aking nakita,
"gugma", ang may pinakakomplikadong lasa,
"gugma", minsay kay tamis, minsay kay pakla, minsay mapait pa.

Halo halo ko'y puno nito,
Mistulang lahat ng alaala koy tungkol dito,
"gugma", paksa ng aking bakasyon,
"gugma", isyu ng buhay ko hanggang ngayon.

Hay nalang, iisa palang perwisyo na,
Ano nalang kaya pag marami pa?
Ano yan? "gugma na sobra sa isa"?
Ayayay, naging salawahan pa...

Ang halo halong iisa ang sahog ngunit halo halo parin,
Sa dami ba naman ng iisang sahog di mo aakalain,
Mistulang iba't iba, ngunit sa katunayan, iisa,
"Gugma", sahog na dadaya sa iyong mga mata.
triggered...
Next page