Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Taltoy Apr 2017
Ang kalatas kong ito,
Ay talagang para sa'yo,
Wag nang isipin kung sino,
Dahil alam kong alam mo.

Gusto ko lang na malaman mo,
Kahit alam kong tunog gago,
Na ako'y may katanungan para sa'yo,
Kung mamarapatin mo.

Ginulo nito ang aking isipan,
Di ko nga rin alam, ewan,
Ngunit sagot mo'y hanap ko,
Kung sino ba ang kasalukuyang minamahal mo.

Alam kong walang kwenta,
Aaminin kong ako'y umaasa,
Inaasam ang yong pagsinta,
Sa isang tulad ko, isang dukha.

Dinadaan ko nalang sa pagiging negatibo,
Ngunit kalahati lang dun ang totoo,
Dahil ako'y tao rin naman,
Naghahangad, may mga kagustuhan.

Sinasabi kong "ganyan ang mundo",
Sinasabing iyan ang prinsipyo,
Ngunit yan ay di ko gustong paniwalaan,
Dahil dito sa nararamdaman.

Iniisip kung paano kaya,
Paano kung iyon nga?
Paano kung di lang ako?
Di lang ako ang nagkakaganito.

Ako sayo'y lubos na nagpapasalamat,
Kahit na ito'y alam kong di pa nga talaga sapat,
Ngunit ang kalatas na ito it'oy hindi ko lalagyan ng bantas,
*Dahil ang mga panahong ito'y, di ko pa gustong magwakas
Itinutula ang mga di ko kayang sabihin at gustong aminin, kaya sana kung iyong mamarapatin...
Taltoy Apr 2017
Sa apoy  nagpaliyab,
Sa puso ko'y nagpaalab,
Mistulang isang mitsa,
Nitong muling pagkamakata.

Ika'y aking kaibigan,
Naging sandigan,
Ngunit sa di inaasahan,
Ika'y nagustuhan.

Di ko sinasadya,
Itong kaginsa-ginsang paghanga,
Ngunit ngayon, huli na ang lahat,
Mula noong ako'y nagtapat.

Pagkat di ko kinaya,
Ako'y nahulog nang talaga,
Ika'y nagustuhan ko na,
Nang di ko inaakala.

Ito ang kasalukuyan,
Ito ang katotohanan,
Ang mundong ginagalawan,
Katoto ko, ako sayo'y may katanungan.
Pagkat walang magagawa ang paghihintay at pag-asa, ngunit ako'y isa ring duwag na minsa'y makapal ang mukha, di ko rin alam kung ika'y matatanong nga.
  Apr 2017 Taltoy
alex
I am afraid to love from what I have seen
true love seems like a dream
a fairy tale , fiction, a fantasy
afraid to broken so I become cynical
letting my guard down is difficult
refuse to be played like an instrument for someone else's amusement
all the victims of heartbreak will be my determent
Taltoy Apr 2017
Aking damdamin, aking hinaing,
Dahil sa mga saloobin, mga hiling,
Bilang isang batang walang muwang,
Sa mga bagay na sa paningi'y hunghang.

Nilalaman ng aking mga tula,
Mga dinaramdam sa buhay kong payapa,
Buhay kung saan ako naging malaya,
Buhay kung saan ako ngumiti at lumuha.

Ang mga tula kong ito,
Sumasalamin sa damdamin ko,
Kaligayahan man o panibugho,
O mga nararamdaman lamang nitong puso.

Pagkat di ako sanay sa malayang taludturan,
Piniling may tugma ang hulihan,
Tugmang nagkukubli sa buong ng kwento,
Linimitahan ang mga salitang ginamit ko.

Mas gugustuhin kong itula na lamang,
'tong mga nais sabihing nakakahadlang,
Dahil sa tula, ako'y nagiging malaya,
Malayang naipabatid ang di masambit nitong dila.

Dito, puso ang pinapairal,
Paggamit ng utak matumal,
Dahil ito ang pinto ng puso ko,
Bintana ng damdamin ko,

Dito ko nalang linalabas ang gusto kong sabihin sa'yo,
Dito ko nalang linalabas pati mga pangarap ko,
Lahat ng gustong makamit at gustong maabot,
Dahil ang katotohanan, dito ko nililimot.

Ito ang mundo ko ng imahinasyon,
Salungat sa pananaw kong sa realidad sumasang-ayon,
Iniisip ang lahat ng maaaring mangyari,
Kahit na sa paningin ko, imposible.

Ito ang aking naging takbuhan,
Takbuhan sa mga panahon ng kalungkutan,
Kasama sa panahon ng kaligayahan,
At sandigan kung ako'y nag-iisa't iniwan.

Ako'y nasanay mag-isa kasama sya,
Sa lahat ng oras na walang makakasama,
Sa lahat ng oras na walang makausap na iba,
Kaming dalawa, nagbigay buhay sa isang makata.

Akin ang ideya, kanya ang paraan,
Ako'y napalapit na, kinahiligan,
Dahil dito nadama ko rin ang kaligayahan,
Sa pagsulat ng laman nitong puso't isipan.

Ito ang isa sa aking mga katauhan,
Makatang pagsusulat ay naging takbuhan,
Pagsusulat ang ginawang libangan,
Sa tula buhay ay ipinaloob, pati katapatan.
ginawa noon, ipinakita ngayon
Taltoy Apr 2017
Bakit nga ba hindi?
Bakit nga ba hindi at hindi oo?
Bakit nga ba hindi ang naging sagot ko?
Bakit nga ba hindi kahit gusto ko?

Bakit nga ba hindi kahit nagbabakasakali?
Bakit nga ba hindi? pwede namang siguro?
Bakit nga ba hindi ang naging kasagutan?
Bakit nga ba hindi? di ko rin maintindihan.

Sa relasyon, maraming maaaring mangyari,
Pagkat ang nais ko'y iyong ikabubuti,
Kahit man masakit, yung ang pinili,
Piniling kasaguta'y maging hindi.

Pinairal ang utak bago damdamin,
Pinag-isipan ang gagawin,
Kahit na naging labag sa'king saloobin,
Pagkat sa kasalukuyan, ito'y aanhin?

Oo nga may kasiyahan,
Makasama ang hinahangaan,
Ngunit ano ang susunod?
Pagpatak ng luha? pagkapagod?

Ito'y ninanais, ngunit hindi pangangailangan,
Di biro, di pangkaraniwan,
Di sa lahat ng oras, tamis at saya ang dala,
Baka magkamali't ika'y masaktan pa.

Kahit na ikay mahal ko na,
Kahit na "tayo" ay ninanais na,
Kahit na ako'y may tyansa,
Pagkat di kailangan, wag muna.

Dahil ang lahat ng bagay ay may takdang panahon,
Takdang panahong inilaan ng Panginoon,
Dahil kung ikaw nga talaga at ako,
Hahayaan ko nalang na ang panahon at tadhana ang bumuo.
matagal nang naisulat ngayon lang isinawalat
Taltoy Apr 2017
Sa kasalukuyan, tayo'y magkaibigan,
Sa kasalukuyan, ika'y aking hinahangaan,
Sa kasalukuyan, laman ka ng isipan,
Sa kasalukuyan, damdami'y nilalabanan.

Sa kasalukuyan, walang tayo,
Sa kasalukuyan, walang kahit ano,
Sa kasalukuyan, di ito importante,
Sa kasalukuyan kasi, tayo'y mga estudyanye.

Sa kasalukuyan, di ko mailarawan,
Itong ating pagkakaibigan,
Ni hindi nga nagpapansinan,
Kahit na magkasalubungan.

Hahahaha, ako'y natatawa,
Kahit man lang pangangamusta di ko magawa,
Matapos magtapat na parang walang hiya,
Hay nalang, ako'y bata pa nga.
tumatakbo sa'king isipang ngayon lang pinapakawalan
Next page