Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Akala ko noon...
ang pagmamahal ay sapat.
Na kapag ikaw ay totoo,
kapag ibinigay mo ang lahat,
babalik din iyon, buo—
higit pa sa iniwan **** pagkatao.

Pero ang hindi ko alam...
ang pag-ibig pala,
hindi lang laban ng damdamin,
kundi laban ng tiyaga,
ng pananatili,
ng pag-uunawa
kahit pa ang bawat araw ay parang dulo na ng mundo.

Sino ba ang may sabi
na ang mga tunay na nagmamahal,
hindi napapagod?

Sinong manunulat ang nagturo sa atin
na basta mahal mo,
laging may “tayo” sa dulo ng kwento?

Naniwala ako.
Tadhana, naniwala ako.

Pinili kitang mahalin,
kahit hindi ako ang pinili **** mahalin pabalik.
Pinili kitang intindihin,
kahit ako na ang nalulunod
sa katahimikang hindi mo kayang ipaliwanag.
Pinili kitang ipaglaban,
kahit ikaw, matagal mo na akong binitiwan.

At sa bawat gabi,
habang ginigising ako ng sariling iyak,
hinihiling kong sana…
sana ako na lang ulit.

Pero hindi ganun ang buhay.
At lalo nang hindi ganun ang pag-ibig.

Minsan, kahit gaano ka kabuo,
kahit gaano ka kabait,
kahit gaano mo siya minahal sa paraang wala kang itinira para sa sarili—
hindi pa rin sapat.

Dahil ang pag-ibig,
hindi laging patas.
Hindi laging sabay ang tibok.
Minsan, isa lang ang tumitibok
habang ang isa'y matagal nang nanahimik.

At doon ko naintindihan...

Walang perpektong pag-ibig.

Walang pag-ibig na walang lamat,
na walang luha,
na walang tanong sa gabi,
na walang sigaw sa unan.

Pero higit sa lahat,
walang perpektong pag-ibig
kung wala ang dalawang taong pumipili,
araw-araw,
na manatili.

Hindi ko ito tula para sa mga “naging tayo.”
Ito'y para sa mga “halos tayo.”
Sa mga “kung kailan minahal kita ng buo,
tsaka ka nawala.”
Ito'y para sa mga iniwan kahit wala namang pagkukulang,
sa mga nagmahal nang sobra,
at sa huli—sarili ang nawalan.

Kaya kung ikaw ito...
kung ikaw ay gaya ko...

Patawarin mo ang sarili mo
sa pag-asang babalik pa siya.
Patawarin mo ang puso ****
lumaban kahit mag-isa.
At higit sa lahat...

Piliin mo ulit ang sarili mo.

Dahil ang natutunan ko?

Ang tunay na pag-ibig—
hindi kailangang perpekto.
Pero kailangang totoo.
At kailangang pareho kayong nandyan,
hindi lang kapag madali,
kundi lalo na
kapag masakit na.
Akala ko noon, sapat na ang mahalin,
Na kapag totoo ka, 'di ka sasaktan.
Ngunit natutunan kong kahit gaano kabuo,
May pusong pipili pa ring lumayo.

Pinili kitang mahalin sa bawat araw,
Sa bawat paghinga, ikaw ang dahilan.
Ngunit kahit anong pilit kong hawakan,
Ang isang pusong sawa, 'di na mapipigilan.

Akala ko ang “tayo” ay pangmatagalan,
Na kaya nating lagpasan ang bawat sugat at lamat.
Pero hindi pala laging sapat ang dasal,
Kung ikaw mismo, ay ayaw nang lumaban sa ating pagmamahalan.

Ang sakit, hindi lang sa pagkawala mo,
Kundi sa tanong na: “Saan ba ako nagkulang sa’yo?”
Ginawa ko ang lahat, pati sarili'y kinalimutan,
Pero sa dulo, ako pa rin ang iniwang luhaan.

Walang perpektong pag-ibig—oo nga, totoo.
Pero sana, hindi ko nalang inialay lahat sa’yo.
Sana natutong magtira kahit kaunti,
Para may natira sa sarili kong muli kong buuin.

Ngayon alam ko na,
Ang tunay na trahedya ay hindi ang pag-iisa,
Kundi ang manatiling umiibig
Sa isang taong kayang mabuhay na wala ka.

— The End —