Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ano nga ba ang layunin at
gusto kong marating?

Mananatili nalang ba sa ilalim
at ilihim na kailangan ko ng
tulong at sasagip sa akin?
PAANO BA GUMAWA NG TULA

PAANO ba gumawa ng magandang TULA
TULA na may tamang sukat at TUGMA
TUGMAng pantig mabulaklak na SALITA
SALITAng dapat umayon sa SIMULA

SIMULA ng tula dapat may tamang BAYBAY
BAYBAY ng panitik dapat saktong BILANG
BILANG ng patinig minsan pa ay KULANG
KULANG sa diwa tula pa’y walang BUHAY

BUHAY na dapat laman ng iyong KWENTO
KWENTOng aakit sa bumabasang TAO
TAO na minsa’y paghuhugutan ng LAKAS
LAKAS upang sa tula’y MAIBULALAS

MAIBULALAS katagang HAHANAPIN
HAHANAPIN sa balong ubod ng LALIM
LALIM ng salita’y dapat PAKASURIIN
PAKASURIIN salitang BIBIGKASIN

BIBIGKASIN mga kataga ay SAPAT
SAPAT na mauunawaan ng LAHAT
LAHAT na babaybaying pantig may SUKAT
SUKATan ang lalim ng ilog at DAGAT
Magsusulat ako ng mga salitang matulain
kahit hindi ninyo ito basahin at tanggapin
kahit ako lang ang tunay na papansin at aangkin
Dahil masyado akong mausisa at malikhain

Tahimik ang paligid at nais ko sana magsulat
Ibuhos ang lahat ng nais kong ipagtapat
Mga bagay bagay na bumubulabog sa ‘king utak
Ito’y mga salitang sa papel lang kayang isulat

Mahirap man unawain ang aking nararamdaman
Ganun pa ma’y ipagpapatuloy ang makakagaan
Sa ‘king pusong puno ng hinanakit ang nakadagan
Ngayo’y bibigyan ng tinig sa blanking papel na tangan

Mga panahong nagmumokmok umiiyak sa sulok
Ni walang nakakapansin sa mga matang malungkot
Todo ang ngiti bagaman ang lungkot ay nasa likod
Huwag lang mahalata ang mukhang may sama ng loob

May mga salitang sa papel lang kayang manatili
Dahil ‘di na kayang bigkasin ng ating mga labi.
Mga lungkot at galit sa puso’y sadyang iniukit
Isusulat sa papel sa dingding doon ididkit
solanamalaya Mar 10
Mata ay "dumilat"
Saklap sa "dumi" ay namulat
Hawak ang kwaderno't panulat
Maduming sistemang di na nakakagulat

Mahirap o mayaman, anong pinagkaiba?
Parehas na tao estado lang ang naiba
Pero sabi ng iba pantay lamang ang dalawa
Ngunit pag may kaya ang nag kasala wala nang kaso basta may kwarta

Masyadong inabuso, sinolo ang pwesto
Kapangyarihang hindi nagagamit ng tuwid at diretso
Pag tinutukan mo ng kamera magbabago't magmamano
Pag salat kahit wala pang warrant agad na arestado

Mabagal at di balanse na hustisya
Bumabase nalang sa kung sinong malaki ang kita
Ano na pambihira, utak lalo humihina
Tara na't halika, isambit mo ang mga di tamang nakikita
06/25/22
solanamalaya Mar 8
kapayapaan paano mararanasan?
kung kapwa mo pilipino
tingin sayo kalaban
kada talikod mo
nagagawa kang pag-usapan
mga taong hanggang dun nalang
at di kayang masabi ng harapan

maituturing bang kapayapaan
ang pakikipaghatakan pababa at walang ibang
ginawa kundi mangialam sa buhay ng iba
mga taong nagsasabing "magpakatotoo ka lang." tapos huhusgahan ka nila?

mga literal na utak talangka
lalo na kayong dumadami, kailangan na ng bangka
maging maliit na "KITA" galing sa dugo't pawis pinupuna.
kailan kaya kayo mauuntog sa bato at sasabihing " ako'y natuto na."

Daig pa ang hukom kung manghusga
ubos ang salapi, sa kakapusta
sa mga kwentong nagpasalin salin sa bibig ng iba.
pati pagiging mapangmata,
ginawa ng katawa-tawa.

paano mo mararanasan ang nais **** kapayapaan?
kung ayaw **** iwanan dati
**** nakasanayan
niluluwa mo pati sarili **** bayan,
nagmamataas kahit wala pang napatunayan.

hayaan mo akong tulungan ka sa iyong kalagayan
pusong puno nang galit kailangan mo nang tigilan
Lawakan mo ang isip at iyong laliman na kahit 'magkakaiba man tayo ng pinanggalingan, ay iisa lang naman tayo ng bansang sinilangan'
09/07/20
022325

Papuri at Pagsamba —
‘Yan ang alay ko Sa’yo aking Ama.
Dalisay ang ‘Yong Pagsinta,
Balewala ang lahat ng mga nagniningning
Sa kalangitan, maging sa buong kalawakan.

Ikaw ang Hari at nag-iisa Ka,
Wala Kang katulad,
Walang kapantay —
Ni walang kalaban
Pagkat siya’y Iyong tinapakan na,
Ginapi ng Iyong kapangyarihan.

Ikaw ang nangingibabaw,
Sa puso kong walang ibang hangad
Kundi ang Iyong presensya,
Ang Iyong kagandahang
Balang araw ay masasaksihan ko rin.

Kusa Mo akong binabago
Maging ang bawat tibok ng puso ko.
Damdamin ko’y higit na sa mundo,
At wala akong ibang nasilayang
Mas maliwanag pa Sa’yo.

Ang linaw ng Iyong intensyon,
Hindi Mo itinago ang Pag-ibig Mo.
Na kahit saang lupalop ng mundo,
Nahahanap Mo ang puso ko
At nakikita Kita —
Nang napakaganda.

Kakaibang pakiramdam
Na hindi ko naranasan sa iba.
Sinasamahan Mo ako,
Sinasabayan.
Pero nauuna ang Iyong mga hakbang,
Ang mga yapak ****
Kapayapaan ang hain sa aking pagkauhaw.
At Hindi Mo ako binibitawan.

Ikaw ang Aking Ama,
At ako ang Iyong anak dahil kay Kristo Hesus,
Ang yakap Mo’y sapat sa bawat araw,
Ang mga Salita Mo’y lakas ko sa maghapon.

Akala ko nga noon,
Sa’yo akong uuwi
At Ikaw ang magiging pahinga ko.
Pero kahit pala wala pa ako
Sa Tahanang sinasabi Mo,
Ay nandito Ka na sa akin.

Ginawa **** Tahanan ang puso ko,
Na dati ang mundo lamang ang laman.
Hindi ka lang isang bisita,
Nanirahan ka pa sa Akin
Na noong una’y hindi ko maintindihan.
At sobra-sobra ang binago Mo
Sa loob kong inaanay at inaalikabukan.

Wala na akong nagawa pa,
Bumitaw na ako sa mundo,
At sinalo Mo ako.
Ikaw na ang bahala sa buhay ko.
Sa’yo na ‘‘to at sa’yo na ako.
sulat dito, sulat doon,
inaalala ang pait ng kahapon.
mga gusot na papel sa ibabaw ng mesa,
iniiyak ang bigat ng dibdib sa mga letra.

nagpupuno ang mga salitang nagkakagulo,
kahit isang mensahe lamang ang nais iparating nito.
dudukutin sa isip lahat ng natitirang alaala,
hanggang ang lahat ng pag-ibig ko’y mawala na.

hindi pansin ang nangangalay na kamay,
pinapagod ang damdaming taglay.
sulat nang sulat gamit ang tintang paubos,
hanggang sa ang hinagpis ng puso'y matapos.

sa aking pagsulat ng huling salita,
at sa huling pagpatak ng aking tinta,
iiwan sa papel lahat ng poot at sakit,
kakalas sa plumang mahigpit ang pagkapit.
my last act of love, i think...
nilalamig, nanginginig, nanghihina, at humahangos,
sa siksikan na lugar, pinipilit kong umusad at makaraos.
ang sakit ng puso’y nagpaparamdam sa paos niyang sigaw ng “tigil!”
sa mga matang hindi alam ang ginagawa pero ayaw magpapigil.

naghahanap ng sagot, nangungulila sa gustong pagmulan nito,
ang mga paa’y hinahatak palayo sa direksyon mo.
paurong-sulong ang isip na tanging laman ay ikaw,
nagmamakaawang nakaluhod, pilit nang nag-aayaw.

nananakit na ang leeg kakahanap sa kanyang noo’y sandalan,
naiiyak na inaalala ang nagtapos kamakailan lang.
ngayo’y naglalakad mag-isa sa gitna ng maiingay na tao,
dahil sa manhid, wala nang pakialam kahit natutulak at nabubunggo.

bagsak ang mga balikat, ang mga tuhod ay sumusuko,
paubos man ay lumalaban ang mahinang bulong ng puso.
umaasa na sa konting sakit at hintay pa, baka ako pa rin—
na sa aking paghahanap ay makita ka at ang iyong mga matang naghahanap din sa akin.
tulad ng himig ng mga awit ng pag-ibig,
ang tamis at lambing ng mga ito.
kung may tinig ang pagmamahal,
maaaring ito ay boses mo.

bigla akong pinasaya,
ngunit bigla ring nagbago.
sapagkat parehong boses din
ang nagtapos sa ugnayang mayroon tayo.

ang tunog na noo’y nagbibigay-kalma,
ngayo’y iniipit ang pusong nagdurusa.
tinatakpan nang mahigpit ang mga tenga
kapag naririnig ang iyong musika.

ngunit kung ako ang papipiliin,
ayaw kong bumalik sa tahimik kong mundo.
at sa gitna ng ingay ng paligid,
sadyang boses mo pa rin ang hahanapin ko.

hirap sa pagtanggap
tungkol sa awit na nagtapos.
marinig lamang ang iyong pangalan,
ang hininga'y kinakapos.

nagsusumamo, nagmamakaawa,
magbigkas ka ng ilang salita.
hiling ng tenga at puso ko,
maari bang marinig ulit ang boses mo?
parinig ulit pt. 2
balrogEX Nov 2024
muling nalustay
isip, diwa't katawan
at uwing pagal
haiku
Next page