Sa dilim ng gabi, ako’y nag-iisa,
Bawat sigaw, sa hangin lang nadadala,
Walang kamay na sa luha’y sumasalo,
Pag-ibig ko’y nauwi sa pagkalaho
Isinaboy ko, lahat ng kayamanan,
Ngunit sa’yo’y tila ako’y ‘sang dayuhan,
Damdami’t pusong kong walang pag-iimbot,
Na kahit minsan, ‘di mo man lang sininop.
Lahat ng araw, inalay ko’t sinuko,
Ngunit kapalit katahimikang ginto.
Ako’y abo na tinangay ng unos mo,
Pagod na, sinta, sa laban **** mapanlo.
Ngayo’y puso ko’y bato na’t nanlalamig,
Pag-ibig ay libing sa hukay ng lamig.
Hindi na muling huhubog ng pag-ibig,
Sapagkat minsan, wasak na’y di masilip.
Binuhos ko lahat—puso, oras, lahat-lahat—pero kapalit ko lang, katahimikan at paglayo. Hanggang sa napagod ako. Nanlamig, tumigas ang puso. At doon ko na-realize, may mga sugat pala na kahit anong gawin, hindi na talaga gagaling.