May lason sa hangin, ngunit walang amoy,
Tahimik ang sugat, sa loob umaagos.
May hiwa sa damdaming di kayang tahiin,
Sa bawat tibok, muling sinasalin.
Walang karayom, ngunit may tusok,
Ngiting pilit, sa luha’y nalulusok.
May gamot sa pilay, sa lagnat, sa pasa
Ngunit sa puso, bakit tila wala?
Kailan ba lalanghapin ang luningning,
Na sa dibdib, sakit ay papaliparin?
Kung may anesthesia sa pusong humiyaw,
Siguro ang gabi'y mas pipiliing mapusyaw.
Ngunit bawat kirot, lihim na tula,
Na sa kalul’wa'y may aral na dala.
Di man madama ng balat o laman,
Ang puso’y natutong magmahal… kahit sugatan.
wala bang anesthesia para sa sakit ng puso para kahit paano manlang hindi ko maramdaman
yung sakit💔