Bitbit and bagahe ng lahat ng problema, mga sugat na ako lamang ang nakakaunawa. Dalangin na maibaba isa isa ang mga ito, para muling maramdaman ang gaan ng sariling mundo.
Kaya't saka ko na hahawakan ang bagahe ng pagibig natin, ang tanging kabanata na minsa'y bumuo sa-akin. At kung sakaling pagbalik ko'y wala ka na, nawa'y matutunan kong maging masaya, kahit mag-isa.