Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
5d
Mr. Politician, mukha’y may ningning,
Ngunit sa bulsa mo, dun naglalangoy ang salaping galing.
Salitang matamis, parang pulot na lason,
Habang bayan ay lugmok sa sariling imburnal na ambon.

Proyekto’y larawan, kontrata’y usok,
Kalsada’y bitak, tulay ay butas, pera’y nalusaw na apoy at usok.
Ikaw ang arkitekto ng pangakong hungkag,
Na itinayo sa buhangin ng kasinungalingang walang sagad.

Mga mata ng tao, nauuhaw sa hustisya,
Ngunit ang kamay mo’y marumi sa tinta ng kasakiman at ligaya.
Habang ang ilog umaapaw ng baha,
Ang yaman mo nama’y dumadaloy parang dugo sa sugatang lupa.

Mr. Politician, hari ng ilusyon,
Ikaw ang bagyong walang ulan, kundi alon ng kurapsyon.
Sa dulo ng lahat, ilaw ay mawawala,
At sa sariling anino mo, ikaw rin ang lalangoy sa kawalang-awa.
דוידסון סילבה דוראן
(M)   
61
   Blue Sapphire
Please log in to view and add comments on poems