Sa pulpito’y may mga bibig na mapanlinlang, tila ginto ang dila, ngunit lason ang dalang awit ng halakhak. Nagbabalatkayo, anyo’y banal na sinapantaha, ngunit sa likod ng ngiti, ahas ang gumagapang sa lupa.
Huwag kang magtaka kung ang bituin ay magkunwaring araw, sapagkat si Lucifer man ay bihasa sa pagtakip ng kanyang salawal. Mga lingkod daw ng katuwiran, ngunit sindak ng dilim, pahina ng kasaysayan nila’y tatapos sa abo at usok na malamig.
Liwanag na huwad, apoy na walang alab, ang hantungan nila’y anino walang awang wakas. At ang bawat yapak ng kanilang pagkukunwari, sasalubungin ng hatol na sila rin ang naghabi.
inspiration from the Bible verse 2 Corinthians 11:13 15