Sa bawat gising, sila ang sulyap, Sa bawat problema, sila ang kayakap. Pero alam natin, ang oras ay tumatakbo, At darating ang panahon na sila'y lalaho.
Hindi ninanais ang mga ginto, Ni kapangyarihang kayang itago. Ang tanging hiling ay huwag silang mawala Na habang-buhay, sana sila ang kasama.
Ngunit kalagayan nila'y mas magaan, Walang sakit, pagod, at anumang pinapasan. Sa langit sila'y tumatakbo, masaya at malaya, Kasama ang iba, hindi na kailanma'y mawawala.