Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
2d
‎Sa dilim ng gabi, ako’y nag-iisa,
‎Bawat sigaw, sa hangin lang nadadala,
‎Walang kamay na sa luha’y sumasalo,
‎Pag-ibig ko’y nauwi sa pagkalaho

‎Isinaboy ko, lahat ng kayamanan,
‎Ngunit sa’yo’y tila ako’y ‘sang dayuhan,
‎Damdami’t pusong  kong walang pag-iimbot,
‎Na kahit minsan, ‘di mo man lang sininop.

‎Lahat ng araw, inalay ko’t sinuko,
‎Ngunit kapalit katahimikang ginto.
‎Ako’y abo na tinangay ng unos mo,
‎Pagod na, sinta, sa laban **** mapanlo.

‎Ngayo’y puso ko’y bato na’t nanlalamig,
‎Pag-ibig ay libing sa hukay ng lamig.
‎Hindi na muling huhubog ng pag-ibig,
‎Sapagkat minsan, wasak na’y di masilip.

Binuhos ko lahat—puso, oras, lahat-lahat—pero kapalit ko lang, katahimikan at paglayo. Hanggang sa napagod ako. Nanlamig, tumigas ang puso. At doon ko na-realize, may mga sugat pala na kahit anong gawin, hindi na talaga gagaling.
Hot Fire
Written by
Hot Fire  F
(F)   
4
   1
Please log in to view and add comments on poems