Simoy ng hangin aking inaasam, Malawak na himpapawid aking minimithi, Ganito ba, ang tunay na kalayaan? O isa muling panilinglang ng lipunan
O munting ibon ‘di alam na siya’y nasa kulungan At Di nito aasamin ang tunay na kalayaan Kung nadito na lahat ng panggagaylagan At dahil nasilaw na ito sa kayamanan
Mga hangganan nilagay ng nakakataas Upang munting ibon ay ‘di lumikas Kung ang lahat ng pangangailangan niya’y nandito Kung ganon kailan mo imumulat ang mata mo sa mundo?
Ano ang pinagkaiba natin sa batang walang alam? Walang alam sa buhay at mamangmang Ano pinagkaiba natin sa ibong nakakulong? Nakasalalay sa kaniyang amo upang di magutom
At tayo’y patuloy na kaballot, Sa mga gapos na hindi natin inakalang saklot, Masaya na sa kaunting ginhawa’t aliw, Habang unti-unting nahihila nang masamang na kawil. Ngunit ang tunay na layang minimithi, Ay ‘di puro aliw at ngiting kay dali. Ito’y pakikibaka, sugat, at lumbay, Ngunit sa dulo’y liwanag ang tunay. Kaya munting ibon at tayong lahat, Panahon nang imulat ang matang sa lahat. Buksan ang mata sa ating lipunan Ngunit ‘di kailan man mabibili ang tunay na kalayaan.
tao ng lipunan ang may kapangyarihan bakit ang silbi nito ay na walan?