Sa hatinggabi, tumunog ang alas, Oras ng aninong sa liwanag ay malas. May ulong kumakagat sa sariling lunas, At bibig na humahalik sa lasong katas.
Sa ilalim ng lupa, may hukay na bukas, Doon bumubulong ang bayang agnas. Katarungang tinakpan ng bulok na batas, Timbangan ng hustisya, butas na ang lapad.
Sa palad ng hari, may gintong panata, Ngunit sa likod nito’y ahas na tuwa. Humahalik sa takot, sa luhang madulas, Habang ngumangalngal ang kaluluwang ahas.
Pait ng katotohanang di mo matikman, Sa bawat lunok, may lihim na laman. At kung magising ka sa mundong balasubas, Huli na ang lahat — sapagkat alas ay ahas.