Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
1d
Ay isang pangungusap na hindi mo maiintindihan
at hindi ko rin maisasalin sa wikang alam nating dalawa.
Miski sa Ingles, ito'y tila katuwa-tuwa na;
"do you know how to walk on the rain?"
Kadalasan, walo sa sampung banyaga ang sasagot ng;
"what do you mean?"

Kayrami kong nais pang ibahagi sa'yo na mga pangungusap,
o kasabihan o ekspresyon o salawikain na hindi ko maisasalin,
ngunit para sa'yo, aking itutula o ilalarawan o ipapaliwanag,
itanong mo lamang, aking sinta, ipapaliwanag pati mga bituin.

Ngunit paano nga ba maglakad sa ulan?
Nang hindi natatalsikan ng putik ang puti kong binti?
Laging bantay ng mama kapag maulan: anak, ang talampakan!
Ngunit paano nga ba maglakad sa ulan?
Kung hindi lang kalsadang maputik, baha na ang lulusungin!
Ako na ngayon ang magtatanong: "what do you mean?"

Kayrami kong nais pang ibahagi sa'yo na mga pangungusap,
o kasabihan o ekspresyon o salawikain na hindi ko maisasalin,
ngunit para sa'yo, aking itutula o ilalarawan o ipapaliwanag,
itanong mo lamang, aking sinta, ipapaliwanag pati mga bituin.

Kung itatanong mo sa akin, giliw, kung natutunan ko na ba?
Kung paano nga ba maglakad sa ulan talaga?
Sasagutin kita ng hindi, at marahil hindi na ko matututo pa.
Mga binti kong gala ay pinagpabahala na ang alaga.
Hindi na ako nag-aalala sa putik at dumi at talsik.
Mga paa'y nakatikim na ng buhangin at iba pang bagsik.

Kayrami kong nais pang ibahagi sa'yo na mga pangungusap,
o kasabihan o ekspresyon o salawikain na hindi ko maisasalin,
ngunit para sa'yo, aking itutula o ilalarawan o ipapaliwanag,
itanong mo lamang, aking sinta, ipapaliwanag pati mga bituin.
Louise
Written by
Louise  Philippines
(Philippines)   
Please log in to view and add comments on poems