Sana lahat may Ina, Oo totoo iyon Sana buhay ka para makita mo aking emosyon Sa totoo lang ang hirap mawalan ng ina Mabigat sa pakiramdam, mahapdi sa mata Malungkot sa isipan at sa Puso ko pa Pakiramdam ko'y nag-iba kahit lalaki pa Diba? Oo, alam mo iyan sa sarili niyo Kahit ako alam ko dahil naranasan ko Edad pitong taon ako 'nung mawala ka Sa aking feeling, sa aking kamay Sa aking tabi hanggang sa dalawa kong mata Ang bata ko pa para ako'y mawalay
Isip ko 'di pa malawak sa mga ibang bagay Kaya lagi tayo nagtatanong sa ating nanay Alam ko lang noon kaya sa sahig ka nakahiga Ikaw ay natutulog at nagpapahinga Ngunit ang totoo ay hindi na humihinga 'Di na nakangiti at 'di na nakabukas mga mata Bakit ganon nalang ang aking nasaksihan? Bigla nalang nagpaalam na 'di tinawag aking pangalan Nakatayo ako sa harap mo habang mukha'y pinagmamasdan Huling panahon na masisilayan kita ng personalan Aking tanong ay bakit, Bakit kailangan mangyari ito? Ako'y sa lupa, ikaw sa langit, Magkikita pa ba tayo?
Katawan mo'y wala na sa ibabaw ng Mundo Ngunit mukha mo'y 'di mabubura sa isipan ko Kahit 'di mo nasubaybayan nang personal aking paglaki Ngayong binata na pinili ko pa rin maging mabuti Masamang bisyo sa paligid sinubukan ko iyong iba Mariajuana, sigarilyo pero kinontrol ko sarili ko, 'Ma Alam ko sarili ang mga iyon ay mali at masama Alam kong ayaw mo ang Buhay ko'y mapariwara Kaya iniwasan ko mga masamang bisyo nang lubusan Ayaw kong magsisisi sa huli dahil 'di mo ako ginabayan Ayaw kong mag-alala ka dahil sa masamang kalagayan Ayaw kong lumuha ka diyan dahil 'di ko iyan mapupunasan
Para naman sakin iyon, diba? Kasi nabubuhay pa ako kahit wala ka na Pipiliin ko maging mabuti at maging matatag Para ang puso't isip mo maging panatag Habang lumalawak na ang aking isipan Unti-unti kong nakilala aking pagkatao at kasarian Kung sabihin ko sayo, ako'y isang bisexual, Tanggap mo ba ako at ako'y iyo pa rin mahal? Sana magpakita ka sa amin nang personal Miss ko na ang yakap mo at pagmamahal Ang katulad **** angel higit pa sa maykapal Miss na miss na miss kita nang kaytagal