Oh bukang-liwayway, sadyang napakaganda **** pagmasdan, Nagbibigay ka ng angking kapayapaan Sa aking pusong lubhang nawasak ng nakaraan.
Nag bigay ka muli ng liwanag sa aking kasalukuyan, At naging gabay sa aking pagsisimula at katatagan. Manatili nawa ang iyong kaliwanagan Sa buhay kong puno ng walang kasiguraduhan.