Hello? Poetry!
Classics
Words
Blog
F.A.Q.
About
Contact
Guidelines
© 2025 HePo
by
Eliot
Submit your work, meet writers and drop the ads.
Become a member
Jeremiah Resquicio
Poems
3d
Ang Paborito Kong Alaga
Oh Bantay ang paborito kong alaga
sa'n ka nagpunta't di na kita nakita
lambing mo sa aki'y nais kong madama
paborito kong Bantay andyan ka pa ba?
sinilip sulok ng kwarto at bodega
sa ilalim ng papag hanggang kusina
naglaho na si Bantay na parang bula
alay ko sa'yo ay isang baldeng luha
sa'king paghahanap nakita ko'y pusa
masigla, malambing, at nakatutuwa
batid kong silang dalawa'y magka iba
subalit sila sa aki'y nagpasaya
Kuting patawad kung di kita mapulot
mawalan ng alaga ay anong lungkot
di ko maatim na may batang lumuha
sa dahilan na ika'y aking kinuha.
Written by
Jeremiah Resquicio
Follow
😀
😂
😍
😊
😌
🤯
🤓
💪
🤔
😕
😨
🤤
🙁
😢
😭
🤬
0
Please
log in
to view and add comments on poems