Busalan mo pa! Nang manahimik ang mga sumisigaw-- Pilit inaalingawngaw ang nag-uumapaw nilang mga hinanakit
Matagal nang umalis ang Diyos dahil sa mga panatikong Sinasamba ang kanilang Poong iniidolo rin ang isa pang anak ni Satanas Kasama ang kanyang mga apostol Hudas sa taumbayan
Busalan mo pa--- Ang iyak ng sanggol, nanghihingi ng pagkain Ang ungol ng babaeng pinuputa sa tabi-tabi Ang hikbi ng magsasakang mamamatay na lang hindi pa sa sarili niyang lupa Ang tangis ng manggagawang tinapon matapos Malaos Na parang Makina lang sa pabrika
Sige patahimikin mo! Tutal katutahan At kaputahan At kaputanginahan ang doktrinang isinisiwalat mo Na parang hindi mulat at wala sa ulirat ang mga panatikong Sumusunod Sa bawat buklat ng bibliya
Lalong pumupula ang paligid; Kitakita na lang sa bilibid kung umabot pa ang bangkay ng nag-ingay
Sige langoy! Hindi man sa dagat ng basura; Pero sa dagat ng dugong dumanak ng mga pinaslang ng bibliyang ginamit mo para umaalipusta Sa nanghihingi ng kalinga;
Sisid sa kailaliman nang malaman mo Ang kadiliman ng kaibuturan ng bituka **** halang
Sige gamitin mo ang bibliya-- Ipangalandakang sugo ka! Panginoong namimigay ng lupa Panginoong may-lupa namimigay Hindi sa hindi makatayo hindi makaupo maghapong nakayuko Kundi sa pulang watawat na may limang dilaw na bituin marikit na kumikinang Habang unti unti nitong nilalamon ang bawat isla bawat industriya Idagdag sa kanilang makina na may nabubulok na sistema Hanggang sa wala nang matira; Hanggang sa ang perlas Ng silanganan Ay tuluyan nang Malaspag Na parang isang puta