Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 30 · 553
Ngiti
nergui Aug 30
Sa isang kalmadong gabi, ika'y iniisip
Sa puso at diwa, ika'y nakakapit
Tila ikaw ang laman ng aking mga tula
Bawat salita'y inalay para sa isang musa

Hindi mapigilan ang aking mga ngiti
Tuwing kagandahan mo'y aking minimithi
Ang ngiti **** tila ba'y puno ng bait
Parang gamot sa lahat ng mga sakit
Aug 16 · 482
Alaga
nergui Aug 16
Sa bawat gising, sila ang sulyap,
Sa bawat problema, sila ang kayakap.
Pero alam natin, ang oras ay tumatakbo,
At darating ang panahon na sila'y lalaho.

Hindi ninanais ang mga ginto,
Ni kapangyarihang kayang itago.
Ang tanging hiling ay huwag silang mawala
Na habang-buhay, sana sila ang kasama.

Ngunit kalagayan nila'y mas magaan,
Walang sakit, pagod, at anumang pinapasan.
Sa langit sila'y tumatakbo, masaya at malaya,
Kasama ang iba, hindi na kailanma'y mawawala.
Aug 15 · 536
Alipin
nergui Aug 15
"Ako'y alipin mo kahit hindi batid",
Kinakanta ng puso ng pasambit,
Kinakanta ng puso kahit masakit,
Pinipiling ihimlo kahit hindi rinig.

Sa bawat kanta na binibitaw ng bibig,
Pinapakita na ikaw ang tanging iniibig.
Sa bawat linya na kinakanta ng bibig,
Makikita na tanging ikaw lang ang hinibig.
Aug 14 · 374
Eysi
nergui Aug 14
Takot man ang bumalot,
Tiwala sa Diyos ang aking baon.
Sa bawat pagsubok na nadaan,
Nakakahanap parin ng paraan.

kaaway ay handang mahalin,
Sapagkat pagmamahal ang nais pairalin.
Sa bigat at problemang pasan ng puso,
Dinadala nalang sa mga biro.

Kahit madami ang mga pangyayari,
Pananalig ay tumitibay sa bawat sandali.
Anumang pagsubok ay sumapit sa aking tabi,
Diyos pa rin ang gabay sa landas na tinatahi.
Aug 13 · 390
Mwolayo
nergui Aug 13
Sa liwanag ng buwan,
Natatanaw ko ang ningning,
Ang ganda **** di matakpan,
Parang isang dakilang sining.

Malayo man bago marating,
Hindi ako magpapapigil,
Puso kong wagas at tapat,
Patuloy ika'y sinusulat.

At kahit may mga hadlang,
Hindi ito mawawala;
Pag-ibig kong di magpapapigil,
Pagmamahal na di masusupil.
Aug 13 · 371
Mabuway
nergui Aug 13
Imaheng nakikita sa salamin,
Nauukit ang itsurang ayaw kong kilalanin,
itsura'y tila ba hindi maipinta,
itsurang pilit tinatabingan ng ngiti sa mukha.

Sa bawat tampok ng aking itsura,
Pumapasok ang pagiging dismiyado,
Sa salamin, sarili’y di makilala,
Sa isip, laging may tinatagong anino.

— The End —