Napakagandang pagmasdan
ang maliwanag na buwan sa kalangitan,
habang tumatakbo sa isipan
lahat ng ating pinagdaanan.
Aking inaalala ang araw nang una kitang makita;
puso’y napako sa iyong mga mata
na tila ba ako’y hinihila
upang simulan ang ating istorya.
Naalala ko pa, muntik na akong matunaw
noong nagsasalita ka,
sapagkat tanging boses **** kaaya-aya
ang umaalingawngaw sa aking sistema.
Masyado na ata akong nahulog sa iyo—
sana lang talaga ay mayroong sumalo,
nang hindi mabasag ang puso,
ang pusong hulog na hulog sa’yo.