Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
The sons of light stood before the Throne,
But creeping in silence came one of his own.
“I roam the earth, I walk its veins,
Feeding kings with bloodstained gains.”

Corruption dressed in a tailored suit,
With demon’s whisper as their root.
Every law they sign, a covenant of lies,
Ink mixed with the tears of the people’s cries.

Satan pulls strings in the palace halls,
Puppets of greed dance when darkness calls.
Gold becomes their gospel, thrones their shrine,
Yet their crowns are rust, their power a crime.

O leaders who bow to the serpent’s hand,
Your empire is smoke, built on sinking sand.
The Judge still waits, the fire still burns,
And the throne of deceit will be overturned.
Mr. Politician, mukha’y may ningning,
Ngunit sa bulsa mo, dun naglalangoy ang salaping galing.
Salitang matamis, parang pulot na lason,
Habang bayan ay lugmok sa sariling imburnal na ambon.

Proyekto’y larawan, kontrata’y usok,
Kalsada’y bitak, tulay ay butas, pera’y nalusaw na apoy at usok.
Ikaw ang arkitekto ng pangakong hungkag,
Na itinayo sa buhangin ng kasinungalingang walang sagad.

Mga mata ng tao, nauuhaw sa hustisya,
Ngunit ang kamay mo’y marumi sa tinta ng kasakiman at ligaya.
Habang ang ilog umaapaw ng baha,
Ang yaman mo nama’y dumadaloy parang dugo sa sugatang lupa.

Mr. Politician, hari ng ilusyon,
Ikaw ang bagyong walang ulan, kundi alon ng kurapsyon.
Sa dulo ng lahat, ilaw ay mawawala,
At sa sariling anino mo, ikaw rin ang lalangoy sa kawalang-awa.
They are traitors, beasts clothed in a grin,
yet within lie corpses, drunk on blood and sin.
At the banquet of lies, their hunger remains,
bread of greed they devour, wine of deceit fills their veins.

A cross on their chest, but hollow and dead,
a symbol of holiness defiled instead.
Their tongues are blades of fire, yet the edge is fake,
draped in prayerful whispers, but every word’s a venomous snake.

Shadows in garments of radiant light,
masquerading prophets in the temple of night.
The power of God they trample, deny,
like ashes in the wind, scattered and left to die.

O people, do not bow to their vow,
their temples are caves where the serpent hides now.
They are rivers of death, flowing silent and grim,
drowning the thirsty in the abyss where no star can swim.

But the fire will come, unquenchable, wild,
tearing down masks, burning idols defiled.
Their holiness is ash, their glory is smoke,
their names will be written in the book of the cursed, in flames they’ll choke.

So heed the thunder this is the sign,
the veil of holiness torn by the divine.
And in the end, no refuge but night,
as false angels plummet to the pit, devoured by eternal fire and blight.
inspired by bible verse 2 Timothy 3: 4 5
Sa pulpito’y may mga bibig na mapanlinlang,
tila ginto ang dila, ngunit lason ang dalang awit ng halakhak.
Nagbabalatkayo, anyo’y banal na sinapantaha,
ngunit sa likod ng ngiti, ahas ang gumagapang sa lupa.

Huwag kang magtaka kung ang bituin ay magkunwaring araw,
sapagkat si Lucifer man ay bihasa sa pagtakip ng kanyang salawal.
Mga lingkod daw ng katuwiran, ngunit sindak ng dilim,
pahina ng kasaysayan nila’y tatapos sa abo at usok na malamig.

Liwanag na huwad, apoy na walang alab,
ang hantungan nila’y anino  walang awang wakas.
At ang bawat yapak ng kanilang pagkukunwari,
sasalubungin ng hatol na sila rin ang naghabi.
inspiration from the Bible verse
2 Corinthians 11:13 15
Beneath a sky cracked like shattered glass,
Time runs through the veins of passing air.
A voice in the shadows keeps whispering slow:
“In the game of life, no one falls without despair.”

The world is a vast and endless playground,
And we are often “it” in the chase of hope and dream.

Each pursuit hides a phantom within the dark,
Dreams flicker like candles toyed with by twilight winds.
Every leap is a step closer to the cliff of the self,
Every breath a wager on stars that can’t be reached.

The earth spins like a wheel of fate,
Sometimes the prize is embrace; more often, wounds unnamed.
There is a flat paradise at the edge of the night,
But it is guarded by beasts sculpted from memory.

In this game, some players never make it home,
Some win, but with no one left to share their victory.
And sometimes, even as a loser, you carry the flame —
A fire not for light, but for the war that waits again.
Sa ilalim ng buwan, may impakto —
Nagkukubli sa pormal na kandidato,
Nakangiti habang dala'y kontrabando,
Peke ang puso, ang hangarin ay trono.

May sindikato sa loob ng gobyerno,
Nakasout ng sako pero may kwintas na ginto,
Walang bala ang batas sa mga diyus-diyosan,
Pero ang dukha'y tinatadtad ng kasalanan.

Ang kanyang dila’y alipato —
Maliit na apoy na sumusunog sa barrio,
Pangakong matamis na parang alak sa kalyo,
Lason pala sa utak ng mga naniniwalang sagrado.

Tingnan mo ang rebulto,
Binendisyunan pero puso’y demonyito,
Taga-kwenta ng kasalanan ng iba,
Habang kinukupit ang limos ng mga aba.

Isa siyang kandidato,
Pero hindi boto ang habol — kundi kaluluwa ng tao,
Binobola ang masa sa kalsada’t palengke,
Habang nakikipag-toast sa mga dugong asoge.

Mga alipato, mga sindikato,
Magkaka-rhyming pero di magkaka-tao,
Isa lang ang ending ng eksena’t eksodo
Pag-ibig ay bingi, at ang liwanag... sunog na kandila sa altar ng demonyo.
Sa hatinggabi, tumunog ang alas,
Oras ng aninong sa liwanag ay malas.
May ulong kumakagat sa sariling lunas,
At bibig na humahalik sa lasong katas.

Sa ilalim ng lupa, may hukay na bukas,
Doon bumubulong ang bayang agnas.
Katarungang tinakpan ng bulok na batas,
Timbangan ng hustisya, butas na ang lapad.

Sa palad ng hari, may gintong panata,
Ngunit sa likod nito’y ahas na tuwa.
Humahalik sa takot, sa luhang madulas,
Habang ngumangalngal ang kaluluwang ahas.

Pait ng katotohanang di mo matikman,
Sa bawat lunok, may lihim na laman.
At kung magising ka sa mundong balasubas,
Huli na ang lahat — sapagkat alas ay ahas.
Next page