Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
 Jul 2015
Jedd Ong
The State of My Tagalog:

Stuttering.

Guess that's what you can call it.

The insecure prose that curls downward
On my notebook.

It reeks of bit
And piece
And syllable.

Singular
Because language
After language
After language

Enter my mind
And slip it
Just as quickly,
Leaving only
Fragments.

Oh, the frustration
As I ask
For loose change
From
My sister cashier.

I can't even ask for
The right amount
In Tagalog nowadays.

"Singkwenta."
"Bente."

That adds up to 75, I think.

Passing score on my
Report card too.

My self-graded Filipino class.

Don't even know
How I managed
To spell "Ibarra,"

"Tanikala," "himagsikan,"
"Liwayway..."

I'd sing and not spell,
If they never caught
At the bottom of my throat.

-------------------------------------------

Ang Kalagayan ng Aking Tagalog:

Nauutal.

'Yan ang pwede **** sabihin sa ‘kin.

Walang tiwala sa sariling gawa,
Patunong pababa ang mga salita
Sa aking kwaderno.

Ito’y sumisingaw ng piraso
At bahagi
At pantig.

Nag-iisa
Dahil wika
Bawa’t wika
Bawa’t wika

Ay pumapasok sa aking kalooban
At umaalis
Ganun ding kabilis,
Naiiwan ang mga
Kaputol lamang nito.

O, kay inip
Habang ako’y humihingi
Ng barya
Kay Ateng Kahera.

‘Di ko nga kayang
Humingi ng tamang halaga
Sa wikang Pilipino ngayon.

“Singkwenta.”
“Bente.”
Ito ay pitompu’t lima, ata.

Pasang awa rin
Sa aking report kard

Sariling pagmamarka sa Filipino.

‘Di ko nga alam
Kung paano 'kong
Naisusulat ang “Ibarra.”

"Tanikala," "himagsikan,"
"Liwayway…"

Nais kong kantahin at huwag lang sulatin,
Kung ‘di lang man silang sumasabit
Sa ilalim ng aking lalamunan.
Thank you to Sofia for the amazing translation. She is found here: http://hellopoetry.com/sofia-paderes/. Stop by—you won't be disappointed.
 Jul 2015
Coco Li
Sana nga hindi na lang kita nakilala
O kaya'y hindi ka na lang nagpakilala.
O, kadiliman na aking pinagmulan
Higit kitang sinasamba kaisa sa apoy na
bumabalot sa mundo,
sapagkat ang apoy ay
bumubuo ng isang malaking bola ng ilaw para sa lahat
at wala nang sinuman ang makakakilala sa iyo.

Ngunit ang kadiliman, pinagsasanib nito ang lahat:
mga hugis, mga apoy, mga hayop, ako,
o, kay husay nitong pagsamahin ang lahat!—
kapangyarihan at mga tao—

at maaaring may matinding enerhiya na
papalapit na sa akin.

Sinasamba ko ang gabi.
 Jul 2015
emeraldine087
Minsan na rin ako’ng nadapa sa landas na mabato.
Nagalusan ang aking mga palad at mga tuhod ay nagdugo.
Nahirapan ako’ng bumangon at maglakad nang muli.
Ngunit akin pa ri’ng pinilit nang may matapang na ngiti.

Minsan ako’ng lumuha dahil sa matinding pagkabigo.
Muntik nang naudyok na tumalikod na lang at sumuko.
Subalit nakakita ng dahilan na patuloy na maniwala
Na mas matamis ang tagumpay kung may kasawian muna.

Minsan ako’ng naligaw sa pagkadilim-dilim na kawalan.
Naubos ang tinig sa pagtawag para sa kaligtasan.
Halos masanay na ang aking mga mata sa nakapopoot na dilim
Pero nakahanap pa rin ng pag-asa upang pawiin ang pininimdim.

Marami na rin ako’ng napagdaana’ng pagsubok,
Nakapaglakbay na sa pinakailalim at sa pinakarurok,
Nalasap ang pait at tamis sa masalimuot na biyahe ng buhay.
Ang akala’y nakita ko na ang lahat sa aking paglalakbay.

Ako ay nabigla dahil ako’y lubos na nagkamali
Nang isang araw na namulat na lang nang ikaw ang katabi.
Dahil dito sa buhay ay mas marami pa pala’ng kulay at hiwaga,
Mas marubdob pala ang hatid mo’ng misteryo’t talinhaga.

Minsan ako’y umibig nang hindi ko namamalayan.
Nagalusan, nakabangon, lumuha, ngumiti, nawala’t natagpuan.
Hindi ko pa mapagtanto kung ang pag-ibig na ito’y biyaya o sumpa,
Ang tanging alam ko lang: ang bawat halik mo’y buhay ang dala.
 Jul 2015
Marlo Cabrera
Ikay' isang bata,
at ako...
hindi ko alam kung ano ako.
Pero, sa pag trato mo sa akin
ako ay mistulang laruan.
Ang aking damdamin, iyong kinatutuwaan,
ginagawang libangan.
Ako'y nasasaktan,
nalulungot,
nagagalit,
Natatakot.
Natatakot kase kahit,
ganito sa akin ang Iyong trato,
takot mawala ka.
Sapagkat ika'y akin sinisinta.
At sa kabila ng lahat ng aking dinanas,
sa mapaglaro ****' palad.
Ika'y aking parin mahal.
O' aking Maria Clara.
Naipong galit at pighati.
 Jul 2015
ZT
walang FOREVER
At kung ano-ano pang pag-eemote mo jan
#forevermore
At kung ano-ano pang ka cheezyhan niyo jan

Basta ako,
Hindi ko kailangan ng forever para maging masaya
Ang kailangan ko ay isang moment
Ang “moment”

Ang kasalukuyan.
Ika nga living in the moment.
Wala na akong **** sa future at sa forever.
Ang mahalaga e ang ngayon.
Today that is a gift, which we call a present.
The present
Ang present na present ang “ikaw at ako”.
Ang moment na masaya ako sa piling mo.

Ang forever wala yan,
Talo yan ng moment
Kasi ang forever,
nakadepende lang yan sa kung paano mo pahalagahan ang ngayon
Kung papaano mo trinetreasure ang binigay sa’yo na present
Aanhin mo ang forever kung wala na ang moment?

Kasi masyado kang nagplano at nagplano para sa future
Masyado **** inenvest ang time mo para sa future

Nagplano at nagplano ka nga para sa forever nyo
Naka invest kanga para sa forever nyo
Pero
Nakalimutan **** gawin at ipatupad ang plano
Hindi ka na nakapaginvest sa ngayon, sa present, sa moment

Hayan tuloy may forever ka nga, pero forever na wala na siya
Kasi napabayaan mo na siya, kaya pumunta siya sa iba
Kasi ang kailangan din niya ay hindi ang forever
Kundi ang moment na hindi  mo naibigay dahil sa forever

Kaya ako, solve na ako sa moment
Ang time ko dito naka invest
Ang pag-ibig kasi wala yan sa future
My love is here, in the present
Naginvest na ako sa moment natin
At kung aalagaan lang natin ng mabuti ang moment
Balang araw ang moment ay magiging forever
wag sana tayong masyadog mahumaling sa concept ng forever, alalahanin natin na mas importante ang ngayon.
 Jul 2015
Lesoulist
Salamat kaibigan, hndi mo ‘ko iniwan

Ikaw ay aking karamay at aking sandigan

Malayo pa ang tinig ay iyo nang naririnig

Alam mo ang pintig ng aking puso at dibdib

Bigat ay iyong inako upang ako ay makatayo

Inalalayan ang aking bisig, lakas ay iyong tinig

Ikaw ay parang isang estrangherong hindi naghihintay ng kapalit

Saan ako makakahanap ng isang tulad mo sa isang saglit?

Kung sa paraang ito ay pinapakitang iniibig,

Bulag na ang hndi makakita, at manhid na ang hndi makadama

Oh kaibigan, nag-iisa ka
 Jul 2015
emeraldine087
Bakit nga ba ang hirap sabihin sa'yo
Ang pilit na sinisigaw ng puso ko?
Ano ba'ng kinakatakot at iniiwasan ko?
Iniiwasan ko ba'ng magmahal at masaktan
O ang magmahal ng lubusan?
Kung iba ba ang mahal ko
Pagtingin ko pa rin kaya'y ganito?
Bakit ba kasi sa lahat ng tao'y sa'yo ko pa
Naramdaman ang ganito'ng klase ng saya?
Ang kakaibang pakiramdam
Na wala na'ng iba pa ako'ng kailangan?
Sa tinagal-tagal ng panahon na tayo'y magkakilala
Bakit kailanga'ng ngayon ko lang madama
Na sadyang hindi na sapat na kaibigan lang kita?

Kung sana kaya ko lamang ipaalam sa'yo,
Kung sana naririnig mo ang bulong ng aking puso,
Wala na sana'ng hihigit pa
Sa saya ng puso ko'ng patuloy na umaasa--
Na sa isang sulok ng panahon
Bukas, makalawa o maaaring ngayon
May katuparan ang pangarap ko
Na higit pa sa kaibigan ang maging pagtingin mo.
Alay ko sa aking Lolo Emmy na nagturo sa akin ng tunay na kahulugan ng pagiging makata...
 Jul 2015
dye
Kung kailan ako mapagbigay, doon ako madamot.
Kung kailan ako malinis, doon ako nilulumot.

Kung kailan ako gumagalaw, doon ako paralisado.
Kung kailan ako malaya, doon ako limitado.

Kung kailan ako makulay, doon ako monokromatiko.
Kung kailan ako mapait, doon ako romantiko.

Kung kailan ako masipag, doon ako tamad.
Kung kailan ako magaling, doon ako nilalagnat.

Kung kailan ako malinaw, doon ako malabo.
Kung kailan ako matalino, doon ako bobo.

Kung kailan ako umaalab, doon ako upos.
Kung kailan ako puno, doon ako ubos.

Kung kailan ako maayos, doon ako magulo.
Kung kailan ako puro puso, doon ako puro ulo.

Kung kailan ako mayaman, doon ako mahirap.
Kung kailan ako nandyan, doon ako mailap.

Kung kailan ako nagbabasa, doon ako nagsusulat.
Kung kailan ako kalmado, doon ako nagugulat.

Kung kailan ako sigurado, doon ako nagtataka.
Kung kailan ako sumasagwan, doon ako bumabangka.

Kung kailan ako nangangaso, doon ako nangingisda.
Kung kailan ako umaatake, doon ako dumedepensa.

Kung kailan ako hypothalamus, doon ako atay.
Kung kailan ako buhay, doon ako patay.



Kung kailan ako tao, doon ako hindi tao.


Kung kailan ako ako, doon ako hindi ako.
personal fallacy series #1 07/18/14
 Jul 2015
dye
Patay.

Nagsimula sa wala.
Nagsimula sa bula.
Kailan kaya kikislap
Ang natutulog na kulisap?

Sindi.

Unti-unting nauubos ang yosi
Umiikli na ang pagkahaba-habang pisi
Aking tinanong nang masinsinan sa sarili
"Sa pagsindi ba talaga nagsisimula ang pagsisisi?"

Pundi.**

Ang ilaw ay biglang namatay
Iyon na pala ang huli kong silay
Ang mata ko'y tila parang pilay
Hindi makalakad tungo sa inaagnas **** bangkay
08/10/14
inspired by Dagitab

hashtag corny hashtag pagtyagaan
hashtag cynical romantic
Next page