Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Nasasabik na sa Bawat Araw na Dumadaan,at nais nang sa Personal ngiti mo ay Masilayan.
Pinanabikan bawat sandaling Ikaw ay ka-kwentuhan.
at ang Isip ay Napapanatag pag napag-mamasdan na ang Taglay **** Kagandahan.
Puso'y Nasisiyahan kapag tinutugon mo na ang mga salitang  sa tenga 'y kumikiliti kapag napapakingan,
"Mahal din kita" yan ang laging sayo ay  gustong-gustong mapakingan.
Oh,Mahal Bakit ang sarap **** alagaan at ingatan.
Pakiramdam ko Bawat araw na Dumadaan ay napakagaan.
Laging Hinihiling na sana ay lagi kang masisilayan,lalo na sa pag sapit ng bagong umaga na ikaw ang kasama.
Made this for my Girl
babylove my imaginary girl
Mahal Nang ikaw ay mapagmasdan,mata’y nais ka laging masilayan.
Araw-araw kang laging inaabangan,para Lamang  makipag kwentuhan.
Mahal,puso’y hindi nakonteNto na ikaw lang ay makakulitan.
Puso’y nag iisip Ng paraan kung paano ba ang puso mo ay makamtan.
Lumipas pa ang mga araw at Tila-baga ang puso mo’y napapaamo ko na.
Hindi nag tagal matamis na Oo sa mensahe mo nakita ko na.
Oh anong sayang nadarama sa puso ay nagpasigla.
Pinapangarap na pagmamahal sayo lang nakamtam.
Marami ng dumating at lumisan pero sayo’y ayaw kang mamaalam.
Tila Mahal ikaw na ang Pinakahihintay para Puso’y tuluyan ng lumigaya.
Mga araw na nagdaan lalo ka pang minamahal.
Ang isang tulad mo itinuturing kong  Kristal.
Kristal na laging iingatan para puso mo’y hindi masaktan.
Lahat ay iaalay sa abot ng makakaya.
Puso ko’y walang ibang pakay kundi ikaw ay mapaglingkuran.
Dahil para sa Puso ko ang kaligayahan mo ay kaligayahan din nito.
Mahal sana’y hindi magsawang ang Puso ko rin ay Pagsilbihan.
Pagsilbihan ng tinawag nating Pagmamahal.
I dedicate my art  to my Girlfriend
Baby i love you so much
Nang minsang mawala ang kulay at sigla dahil sayong Paglisan.
Kalungkutang nadarama,hindi na ata mawawala.
Bakit kasi Mahal sa piling ko ay kailangan mo pang Lumisan?
Di bat nangako ka naman na saking tabi hindi Lilisan.
Ngunit bakit nagising na lang ako, ikaw pala ay hindi na masisilayan.
Pagmamahal mo ngayon ay nasaan,
Pangungulila sayong yakap at lambing sana ay Punan.
Pwede ba Mahal kahit minsan lang sa Panaginip
Ako naman ay Puntahan.
Kahit isang beses lang,Pakiusap aking Mahal.
Yakap mo muli ay nais maramdaman,nang aking Pangungulila ay Maibsan.
Nang minsan masaktan ang hinahanap ay ang iyong Yakap.
Yakap na sayo lang  gustong makamtan.
Ngunit sino pa ang yayakapin,kung ang taong gustong mayakap ay sya rin ang nang iwan.
LDR
lumipas ang mga Oras at Buwan,Ng hindi natin namamalayan. Lalo pa pala Tayong napapalapit sa isa't isa,at sa pag kakalapit lalo pang nahuhulog ang damdamin nating Dalawa.
Pilit inaalisa kung paanong ang simpling pangangamusta nauwi sa Tayo Na.
LDR na parang hindi naman.kasi kahit magkalayo ang agwat  sa isat isa,Isang tawag ko lang sasagot Ka na.Isang lambing mo lang,pangungulila ko'y nawawala na.Isang "I Love You" mo lang kalungkutan ay napapawi na.
Walang kasawaang kulitan,tawanan na walang humpay,at hindi maubos-ubus na usapan.hangang sa hindi namamalayan ang oras na nag-daan.
kung dati pag inantok na itutulog ko na.Pero ngayon kahit anong antok  pipigilan Ko,makausap lang Kita. kahit wala namang kwenta ang pinag uusapan pero para sakin,bakit ito ay Mahalaga.Tipong marinig lang ang mabining Tinig  mo at tawang walang pakialam,Kontento na Ako.At kahit may pagkakataon na natutulugan Mo Ako dahil sa mag damag na Harotan at kulitan,wala lang sakin 'to,Basta naririnig ko lang ang mahimbing na pagkakatulog mo ok na ako.
Ngayon lang ako Nakuntento ng ganito.Minsan nga napapatanong na lang ako "Bakit ang Swerte ko Sayo".Simpling tao lang naman ang gaya ko at may simpling Pangarap na gustong makamit.Pero ng dumating ka sa mundo ko gusto ko pang taasan pa  ang Pangarap ko yun ay  ang makamit ka at makasama sa araw-araw na pag suong sa takbo ng  realidad ng buhay ko.
Hindi man ito ang Oras at Panahon para makasama kita,Darating at darating din tayo sa puntong Gigising akong ikaw ang unang makikita,sa bawat pag dilat ng mga Mata ko.Ngiti mo ang sasalubong sa bawat pag uwi ko galing sa mag hapong wala sa tabi Mo.At yakap mo ang mag-aalis  ng Pagod sa katawan at isip ko.
Ikaw na ata talaga  ang Kapahingahan ko sa nakakapagod na Mundong Ito.
Nang minsang makilala  ang isang  tulad mo,Hindi inaasahan na mabibihag mo agad ang Pihikan kong Puso.
araw-araw nangungulit para lang mapansin mo,pano ba naman lagi ka atang abala ,kaya ang sang tulad ko hindi mo makita.
at ng sa wakas napansin mo rin ang makulit na tulad ko,sa sobrang saya Gusto na agad kitang iuwi sa amin,at sakupin  Ang mundo mo para maging iisa Tayo.Pinapangarap  kong Prinsesa Ngayon ay Akin na.Araw-araw sakin ay nagpapasaya kaya ang aking mundo ay laging masigla.
Hindi man ako isang mandirigma tulad ng iba,pero hangang Dulo ipaglalaban kita.
Hindi ko man maabot ang mga bituin pero Sisikapin mga mata mo’y malagyan ng ning-ning.at
Kahit malayo ka man sa aking piling,umasa kang hindi ka bibiguin.Araw-araw ika’y hindi Pagsasawaang  hintayin.
Pinapangarap na Ikaw araw-araw kong Iibigin.
Sa mga nakaraan akoy madalas nasasaktan at madalas maiwan.
Pilit hinahanap kung ang Mali ko ay nasaan!
Kasi sa aking Pag kakaalam ginawa ko naman ang lahat para sila sa ako ay wag ng iwan.
Ngunit Tadhana ay mapag-linlang,sa una ka lang Pasisiyahin at sa dulo ikaw naman ay sasaktan.
Ngunit Pananaw ko'y nagbago ng makilala ko ang isang Tulad mo,na sa simula palang bumihag na sa Puso ko.
Ang saya lang ng minsang mapansin Mo,
Hangang sa hindi nakatiis nagparamdam na ang Torpeng Tulad ko.
Anong Tuwa at tawa nating Dalawa na sa pag amin ko Sayo,Tinawanan mo lang ako,
Na sa pag aakalang Pinag titripan lang Kita.
Sino ba naman kasi ang maniniwala kung sa paraan ng Panliligaw ko gamitin ko pa ang Paperang Camera para mapansin mo.
Napa OO kita kinilig na sana ako, kaso laro lang Pala.sayang talaga!
Tumagal pa ang usapan hangang sa tayo'y nagkakapalagayan na.
Naku kunting Bola na lang mapapa OO na talaga kita,Seryoso na.
Sobrang sana'y ko na ata sa presensya mo na di mabubuo ang araw ko kung wala ang mensahe mo sa Inbox ko.
Kulitan,tawanan at sabay magpapalitan ng kalokohan.
Nasa Punto na rin ako,na hinihintay ang pag dating mo.
Para tuparin yung mga plinanong bagay na tayo lang ang may alam.
Puntahan ang simbahan na kung saan pinangarap kong marating muli kasama ang isang Ikaw.
Akyatin ang mga bundok na ang kasabay sa paglalakbay ay Ikaw.
Pagmasdan ang papalubog na araw ,sa gilid ng karagatan na ang katabi sa buhanginan ay Ikaw.
O kaya mahiga sa buhanginan at sabay pagmasdan ang bilog at liwanag ng buwan.
Lahat na yata ng Pinaplano ko ay Ikaw ang kasama ko pati sa pagtahak sa kinabukasan Ikaw ang nakikitang kasabay ko.
Siguro hindi pa man sa ngayon pero darating din tayo sa Dulo na merong Ikaw at Ako.
"
Next page