when you try to fly just like everyone else but before you can leap from the ledge to soar above the skies you find yourself stumbling backwards and falling with no chance of ever coming up again.
Balang araw Hindi na lungkot ang dulot ng umaga, Tatahan na ang umiiyak na matang namamaga Matutuyo na ang mga kumo't unan na basa
Ika'y tatayo na mula sa pag-kakaupo sa gilid Paa'y ihahakbang na palabas ng silid Handa kanang harapin ang mundong pasakit 'Di ka na nito tatablahan ng pait.
Mga sugat mo'y tuluyan ng nag-hilom Wala na ni isang marka ang mababakas Tuluyan mo nang naaninag ang liwanag, Sa'yong yungib na natakpan ng dilim
Natagpuan mo na ang matagal na nawawala Pagmamahal sa sarili na sa'yo'y tumakas Kaya ngayon buo na ang piyesa ng pag-katao Lalaban kana hindi na muling mag-papatalo
Kaya mo na ulit Mas kaayanin mo pa ngayon Lagpasan hamon sa harap Dahil buo kana
Distant persisting fragments endure unstirring in your heart you pick them away piece by piece yet every part is the same sharp as as frosty wind on your cheeks.